CHAPTER 46

5.3K 137 0
                                    


Sa cafeteria, nagbabatuhan na ng pagkain sila Penny at Thunder nung dumating ako.

"Hi guys." Binaba ko yung bag ko sa upuan at humarap sakanila.

"Ba't pawis na pawis ka?" Tanong ni Thunder.

"Tsaka san ka galing?" Tanong naman ni Penny.

Omo, nagtatanong na sila. Sabihin ko ba yung totoo? Galing ako sa 4th floor storage room kung san nagkaroon kami ng alone time ni Sir. Should I say that? Pakiramdam ko alam nila yung ginawa namin ni Sir, malandi na ba ko? Boyfriend ko naman si Sir eh, normal lang yung may kissing scene kami diba? At sa storage room? E dun lang walang makakakita samin e.

"Um uhh...G-galing ako sa taas nautusan ako ni Ms. Lina. Alam nyo naman mga prof ngayon, makita kalang sa hallway uutusan ka agad, may dinala lang ako sa office nya some paperworks of her students not big deal hehe." Palusot ko habang nakangiti ng malaki sakanila.

Pinagtinginan lang nila ako na parang Anong-pinagsasabi-nito-ni-Karlota-Look.

"Ok! Ok! Aamin na, hinablot ako ni Sir sa storage room at tinanong nya ko tungkol kay Sir. Hunt tapos hinalikan nya ko, na tinugunan ko naman tapos--"

"Stop stop stop stop! Eww, hindi namin gustong malaman kung anong ginawa nyo sa storage room!" Naghahand gesture pa si Penny sa pagmumukha ko, konti nalang mahahalikan ko na yung palad nya sa sobrang lapit ng kamay nya.

"Oo nga Sha, ang defensive mo masyado. Easy kalang, so anong first move ni Sir Yuji?"

*PAK!*

"Sha!"

"Kiss lang ginawa namin dun! Kung ano ano na naman iniisip mo dyan." Umayos naman ako ng upo at sinimulang kainin yung pagkaing binili nila para sakin.

"Whatever, ayokong malaman kung ano mang kabalbalan yung ginawa nyo dun. Ang tanong ko e bakit tinatanong ni Sir Yuji sayo si Sir. Hunt KO?"

Sabay naman kaming napatingin ni Thunder sa huling sinabi nya.

"Sir. Hunt MO?"

"Oo, Sir. Hunt KO. Ano na namang problema mo, Travis?"

"Wala wala, Sir. Hunt MO nga diba?" Balik sa pagkain ni Thunder. Mukhang malakas ang tama ni Penny kay Sir Hunt.

"Wala naman, nagtatanong lang sya kung may gusto ako kay Sir. Hunt and I said no. Then yun." Tinitigan naman ako ni Penny ng masama.

"What?"

"Char, ikaw kaibigan kita pero may Sir. Yuji kana. Akin lang si Sir. Hunt ok?" Tingnan mo 'tong gagang to. Akala mo aagawan e.

"Penny, he's all yours. Gaya ng sabi mo may Yuji na 'ko no."

Magsasalita pa sana si Penny ng may biglang lumapit sa table namin at tumabi sya samin.

"Oh, Jess! Ba't di ka pumasok ng morning subjects?" Nagapiran pa sila ni Thunder, pero si Penny biglang nanahimik. She knows what happened but Thunder doesn't.

"May inasikaso lang, musta kayo? Balita ko may bagong prof ah?" Sumulyap pa sya ng tingin sakin habang tahimik akong kumakain.

"Ay oo. Si Sir. Hunt ni PENNY. Pagmamayari nya daw eh." Halatang nangangasar si Thunder pero hindi na sya sinagot ni Penny.

"Haha ganun ba." Nagkukwentuhan lang silang dalawa hanggang sa matapos yung lunchbreak namin ng may sabihin si Jess.

"Baka pala next sem lumipat ako ng school."

Natigilan ako sa pagkain pero hindi ko sya tinitingnan.

"Bakit naman? Maganda naman dito tsaka magkakasama tayong apat nila Sha dito. Diba Sha?" Tumingin naman sila sakin kaya ngumiti nalang ako.

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon