CHAPTER 47

5.1K 142 3
                                    


"Ms. Briones, ako ang mahal mo hindi ba?" -Yuji

"No. Charlotte, naaawa kalang sa kwento ng buhay nya kaya mo sya minahal hindi ba?" -Hunt

Parehas nilang nilahad ang mga kamay nila sa harapan ni Charlotte at hinayaan syang mamili kung kanino sya sasama.

"Leave him Charlotte. Pick me, choose me, love me." -Hunt

"Charlotte, you promised me that you will never leave me. Now, keep that promise and choose me, not him. Please." -Yuji

"I--"

"KARLOOOOTA!"

*BLAG!*

"Ouch ouch ouch ouch" Daing ko habang hinahawakan yung likod ko.

Langya naman Karlota, tuwing nagigising ka nalang sa panaginip mo palagi ka nalang nagaacrobat! At ano na naman yung napanaginipan mo? Feelingera mo na naman, feeling mo pagaagawan ka ni Sir. Yuji at Sir. Hunt!

"RAVEN! MAPAPATAY KITA! ANG AGA AGA SUMISIGAW KA NA NAMA--Ma?"

Nanlaki yung mga mata ko ng maaninag ko yung mukha ni Mama sa harapan ko. Teka, gising na ako diba? Hindi na ko nananaginip?

"Tumayo ka nga na bata ka, dalaginding kana lahat lahat nalalalaglag kapa sa kama." Inalalayan ako ni Mama pabalik sa higaan ko at nakita ko rin si Papa sa pinto na nagwave pa sa akin.

"A-anong ginagawa nyo dito Ma? B-ba't di kayo nagsabi na uuwi kayo?"

Hindi nga ako nananaginip, nandito sila ngayon sa harapan ko, nandito sila ngayon sa Pilipinas!

"Nagsabi sila at sinabi ko yun sayo. Ang problema sayo busy ka sa pakikipaglandian sa Professor mo." Sabat naman ni Raven habang nakasandal sya sa pinto ko.

Biglang nalipat sakin yung mga mata ni Mama at Papa. Are they...mad? Nakapamewang si Mama at nakacrossed arms naman si Papa. I'm dead aren't I?

"May relasyon ba kayo ng Professor mo?" Nanlilisik na yung mata ni Mama. Kaya ayokong umuuwi sila ng Pilipinas e!

"Um, mertuidjfjmdpo" Bulong ko, hindi ko alam kung aamin ako o hindi.

"KARLOTA! MAGSALITA KA NG MAAYOS!"

"Ma naman! Kauuwi nyo lang sinisigawan nyo kaagad ako!" Tumayo naman ako sa higaan ko at kinuha yung tuwalya ko papunta sa banyo. Maliligo na ko at didiretso na ko agad sa campus, ayoko dito sa bahay!

"Walang ibang kinwento samin ang kapatid mo kundi ang pagpunta palagi ng Professor mo dito sa bahay nung mga nakaraang araw! KARLOTA, Professor mo yan! Hindi kita pinalaking ganyan!"

Nagbubunganga padin si Mama kahit nasa loob na ako ng banyo. Binuksan ko yung shower faucet at nakatingala lang ako sa tubig habang iritang irita sa pagbubunganga ni Mama sa labas.

"Pagkatapos mo dyan, maguusap tayo! Naiintindihan mo?!"

"Layla, ang aga aga sinisigawan mo agad yung anak mo. Halika na sa baba." Rinig ko pang pigil ni Papa kay Mama. If i know, hawak na ni Papa yung braso ni Mama pero ayaw parin paawat ni Mama.

"Hinde! Hindi ko tinuro sa anak mo na pumatol sa mas matanda sakanya! Yang anak mo, Carlo pagsabihan mo!" Sigaw pa ni Mama.

"2 years lang tanda nya sakin, Ma!" Sigaw ko pa mula sa banyo. Akala nya siguro 30+ na si Sir. Ano ba namang buhay to, hindi ba nya ako namiss halos 5years silang nawala tapos sigaw agad ibubungad nya.

"SUMASAGOT KAPA! BILISAN MO DYAN AT MAGUUSAP TAYO SA BABA!"

"Oo na maguusap na kayo sa baba pagkatapos nya. Halika na sa baba." Boses ni Papa.

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon