CHAPTER 30

5.5K 157 2
                                    


Pagdating namin sa room, lahat ng kaklase ko pinagtinginan kami. Nakatayo palang kami sa pinto ng makita kong si Sir. Yuji pala ang first subject namin ngayon.

"Good mor--" Babatiin ko sana si Sir ng unahan nya ko magsalita.

"You are late, Ms. Briones."

Nakakunot na na naman yung mga noo nya at seryoso kung makatitig samin ni Thunder.

"I'm sorry Si--" Naputol na naman sasabihin ko ng unahan naman ako ni Thunder.

"It's my fault Sir! I'm sorry, nagpasama po kasi ako kay Shasha sa Dean's office para kumuha ng ID."

Sabay sabay na nagbulungan lahat ng mga kaklase ko sa narinig nila. Si Sir naman hinubad yung salamin nya, at pinaulit kay Thunder yung sinabi nya.

"Pardon, kumuha kanang ID?" Tanong ni Sir.

Sinisiko ko si Thunder na wag, wag mo munang sasabihin pero kinindatan nya lang ako.

"Yes Sir, ID. I'm the new student here in PATSColleges, My name is Travis Kyle Rajishima, but you can call me Thunder for short." Nagbow sya sa mga kaklase ko pagkatapos nya magsalita. Yep, Rajishima surname nya dahil half Japanese sya, at oo may pagkachinito sya.

Yung iba nagbulungan lalo na yung mga kaklase kong babae, halatang kinikilig dahil palangiti si Thunder sakanila. Si Sir? Nagiba na naman expression ng mukha nya. Wag ka magalala Sir, kahit ako nagulat ng malaman kong dito na sya magaaral.

"Alright then, take your seat Mr. Rajishima and Ms. Briones I'm about to start my lesson."

Pumasok kami agad ni Thunder at umupo sa upuan ko, may bakanteng upuan sa tabi ko kaya dun ko na sya pinaupo.

"Our lesson for today is about Data Collection. Kung sino man nanonood ng Competition kagabi, kasali sa tanong ang topic na ito."

Yeah kasali yan sa mga tanong kung san nakatsamba ako. Hallelujah!

Panay lang ang salita ni Sir sa harapan ng may ipasang drawing sakin si Thunder. Potato sya na dinrawingan nya ng mukha at may suot na polo. Natawa naman ako kaya kinuha ko yun at dinrawingan ko naman yun ng necktie at sapatos sabay pasa ko ulit kay Thunder ng pasimple para hindi mahalata ni Sir.

"What's comes in your mind when you heard the word Data?"

Nagdidiscuss na si Sir sa harapan pero kami ni Thunder nagpapasahan ng papel at dinodrawingan yung patatas na may mukha. Sa kakapasahan namin papel, yung patatas na kanina e may mukha lang, ngayon nakapolo at may coat pa. Nilagyan pa ni Thunder ng pangalan sa taas as 'Mr. Potato Man' kaya ngisi naman ako ng ngisi sa kinauupuan ko.

"Can someone give me a simple data?" Tanong ni Sir sa harapan pero kasalukuyang nagdadrawing ako ng sumbrero ni Mr. Potato Man.

"Mr. Rajishima and Ms. Briones. Can the both of you give me a simple data tutal kanina pa kayo ngitian ng ngitian dyan."

Bigla nalipat sa upuan namin ni Thunder yung mga mata ng mga kaklase namin at nahuli kami sa akto na nagtatawanan.

"Stand up, Ms. Briones and Mr. Rajishima."

Tumayo naman kami pareho habang nakayuko. First day na first day na pagkatapos ng Mathlete, napatayo agad kami ni Thunder.

"Now give me a simple data, Ms. Briones."

Ako agad? Gigil na gigil lang?

"Um.. 5,435 as the number of population Sir." Tinitigan nya ko sabay senyas nya na umupo na ko.

Sinulat nya sa blackboard yung number na sinabi ko sabay lipat naman ng tingin nya kay Thunder.

"Mr. Rajishima, give me the exact formula in solving the range and midpoint of the data given by Ms. Briones."

Tumingin agad ako kay Thunder dahil kahit ako, hindi ko pa alam yun. Hindi pa nga nya naituturo eh, ginigisa ba nya si Thunder? Agad namang tumayo si Thunder at pumunta sa harapan, kumuha sya ng white board pen at walang kahirap hirap na sinolve yung binigay kong data example kay Sir.

Minutes later, kalahati ng white board e puno na ng solutions ni Thunder. Hangang hanga naman ako habang si Sir, halatang hindi masaya dahil nasagot ni Thunder yung pinapasagutan nya. Take that Mr. Yuji Salvatore.

"Should I explain it to them how I got the answer Sir?" Tanong pa ni Thunder, natawa naman ako. Kung ako siguro si Sir. Yuji maiinis ako kay Thunder e haha.

"No, get back to your seat." Nagnod naman si Thunder at bumalik sa tabi ko.

"Ayos ba?" Tanong pa nya sakin sabay pisil nya sa ilong ko.

"Ikaw na magaling Thunder." Sabi ko habang ngumingiti ngiti sakanya.

Nagpatuloy si Sir sa pagdidiscuss sa harapan ng bigla syang humarap sa kinauupuan namin.

"Mr. Rajishima, I forgot you cannot sit there."

Nagsalubong naman kilay ko sa sinabi nya. Bakit bawal umupo si Thunder sa tabi ko e wala naman kaming sitting arrangement?

"Bakit naman po Sir?" Magalang na tanong ni Thunder sakanya.

Oo nga Sir, baket? Selos ka?

"Mr. Rajishima, hindi mo ba napansin na ikaw lang lalaki sa row na yan? Dahil para sa babae ang row na yan, lumipat ka sa kabilang row."

Ang sunget. Meron ba sya?

"Sige na lumipat kana dun, mamaya bugahan kapa ng apoy nyan." Bulong ko pa kay Thunder.

"Ang bilis naman magselos ng Sir mo, e hindi pa nga ko nagsisimula sa plano natin." Natawa ko sa sinabi nya na sya namang nakita ni Sir kaya tinikop ko agad yung bibig ko at tinulak si Thunder paalis ng upuan.

"I'm sorry, Sir." Tumayo sya at lumipat sa kabilang row.

Nililingon ko pa si Thunder kung san sya uupo ng tawagin ako ni Sir.

"Ms. Briones, sit properly!"

Nagulat naman ako at agad na umayos ng upo. Tinitigan pa nya ko saglit bago sya nagdiscuss ulit. Magkasalubong ang mga kilay nya, parang nung last time lang na pinagreport nya ko ng isang buong folder. Sabihin nya kung meron sya ngayon ah, ang moody moody nya masyado.

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon