CHAPTER 86 (Letting you go)

6.1K 129 12
                                    


Pagbaba ko ng stage niyakap ako nila Travis, binuhat pa nga nila ako. Para ko silang boyfriend, kahit mga ibang graduates pinagtitinginan kami. 8pm, saktong natapos yung graduation ceremony, masaya nakakagalak umuwi na dala dala yung diploma ko. Sobrang saya nila Mama, pagdating namin sa bahay nagulat ako nung ako yung nagbukas ng pinto sabay sabay na may sumigaw ng "Congratulations!"

Halos may makain akong confetti dahil may mga naglaglagan pa mula sa kisame. Mga pinsan, tito at tita ko lahat sila nandito. My god, lahat sila nandito. Nagmukhang reunion yung peg ng okasyon namin ngayong gabi, ang daming pagkain kahit mga classmates ni Raven nandito rin sa bahay. Nagvivideoke sila pero mas pinili kong umakyat ng kwarto ng sumigaw si Mama.

"Karlota! Yung boyfriend mo nasa tapat ng gate! Paakyatin mo dali! Pakilala mo sya sa mga pinsan at Tita mo bilis!"

Sabay na nagayiee yung mga pinsan ko sakin lalo na yung mga babae kong pinsan.

"Yeah yeah, shut up." Sabi ko habang dinadaanan silang lahat.

Huminga ako ng malalim bago ako bumaba at pumunta sa gate para harapin sya. Palapit palang ako sa gate, pero parang ayaw tumuloy ng mga paa ko ayoko syang harapin.

*Gate opens*

"Charlotte, nanganak na sya. Nanganak na si Maxine, the baby was fine kamukhang kamukha sya ng mommy nya. Nanganak na sya, Charlotte I'm so happy."

Hindi pa ko nakakapagsalita niyakap na nya ko agad. Umiiyak sya, napapaluha sya sa saya habang ako dinudurog nung saya nya yung puso ko. Masaya ako para sakanya pero, hindi ko na kaya.

"Y-yuji, I'm leaving you." Nagsimulang tumulo yung luha ko nung sabihin ko yun sakanya. Naramdaman kong lumuwag yung pagkakayakap nya sakin, hanggang sa bumitaw sya.

"W-what?" Yung saya nya kanina, napawi lahat.

"I'm letting you go." Tinitingnan ko sya sa mata nya habang hawak ko yung kamay nya.

"Charlotte, no. No no, were engaged, diba sabi ko ngayon natin sasabihin sa pamilya mo yung kasal? Charlotte, no please."

Nagsimula nading tumulo yung luha nya, lalo lang akong nahihirapan ngayong umiiyak nadin sya. Niyakap nya ko ulit, hinihigpitan nya pero nagpupumiglas ako.

"Yuji, tama na. Nasasaktan na 'ko e, ang sakit sakit na. Akala ko magwowork out pa, akala ko kakayanin ko pa, akala ko kaya ko pero yung mga nakaraang araw na palagi kang nawawala sa tabi ko, dun ko lang narealize na hindi ko kaya lahat. Masakit para sakin na nakikita kang masaya sa magiging pamilya mo, pero mas kailangan ka nila Yuji. Wag mo 'kong alalahanin ok lang ako, kaya ko magisa. Yung anak mo hindi, kailangan nya ng ama na palaging nasa tabi nya. Ayokong maging dahilan ng ikasisira ng pamilya mo, ayokong mahirapan ka, hindi kita papipiliin kung ako o sila ng mag-ina mo dahil pamilya mo yan. Mahal kita sobra, pero at the same time sobrang sakit na."

Biglang syang lumuhod sa harapan ko at niyakap ako habang humahagulgol sya.

"Charlotte, no. Please take it back, hindi mo ko iiwan diba? Please bawiin mo yung mga sinabi mo, wag mo kong iiwan. Nagmamakaawa ako sayo, Charlotte mahal na mahal kita. Nangako ka hindi ba? Sabi mo hinding hindi mo ko iiwan."

"I did promised you Yuji, but you promised me too that you will stay beside me no matter what. Pero nung mga nakaraang araw na kailangan kita, nasaan ka? I'm sorry."

Tinanggal ko yung kamay nya na nakapalupot sa bewang ko at hinubad ko yung singsing na nasa daliri ko. Nilagay ko yun sa palad nya at sinarado yung kamay nya.

"You will always be my Professor who I love so much. Goodbye, Sir. Yuji."

Kasabay ng pagbitaw ko sa kamay nya ang pagbagsak ng luha ko na hindi ko na mapigilan. Sinubukan pa nyang hawakan ng mahigpit yung kamay ko pero bumitaw ako. Naninikip yung dibdib ko, masakit para sakin na iwan syang nakaluhod dun habang umiiyak pero mas hindi ko na kakayanin kung magpapatuloy pa yung relasyon namin. Siguro nga hanggang dito lang kami, nakilala ko sya, naging crush at naging inspirasyon ko sya sa pagaaral ko pero hanggang dun lang. We were never meant to be, pinagtagpo lang kami pero hindi talaga kami yung para sa isa't isa.

----THE END.

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon