CHAPTER 34

5.2K 148 0
                                    


"Congrats, Charlotte!"

"Kaya naman pala nagpalipat si Travis dito dahil sayo, ayiie!"

"Ang cute nyong couple, bagay kayo!"

"Sana magtagal kayo, stay strong!"

It's been a week simula ng sabihin ni Thunder na may relasyon kami, kaya ngayon kalat na kalat na sa buong campus. Naglalakad ako ngayon sa hallway pero lahat ng madadaanan ko puro congrats at kung ano anong pinagsasabi sakin ng mga kakilala ko. Yung iba nga hindi ko kaclose pero nginingitian at kinocongrats ako. Nginingisian ko lang sila pero kung ako tatanungin, uwing uwi na ko dahil atleast dun sa bahay tahimik ang buhay ko.

Pagdating ko sa library nakahinga ako ng malalim. Ito na naging tambayan ko para malayo ako sa mga pangcocongrats sakin ng mga kung sino sino. May mga nagsisilapitan din kasi saking mga babae simula nun but if I know, gusto lang nila mapansin ni Thunder na kaclose ko sila at bestie bestie ko sila. Kaumay.

Naglakad lakad ako sa bookshelf at ng may mahanap na akong mababasa ay umupo ako sa pinakasulok sulukan ng library. Dito ako palagi umuupo para magbasa at magpalipas oras.

Si Thunder? Ayun sumali sya ng Track and Field Varsity ng school, kaya pag ganitong oras wala akong kasama dahil oras ng practice nila. Binuklat ko yung librong binabalik-balikan ko dito sa library entitled: "How to unlove him" Oo tungkol sa pagmomove on to. Nagpapractice na kasi akong kalimutan si Sir. Minsan dito narin ako naguupdate ng story ko kahit alam kong wala namang magbabasa dahil wala na si Sir. I mean, hindi na kami close tulad ng dati na pag review na namin for Mathletes e nagtatawanan pa kami, ngayon ni ngitian or what wala na. Nakakalungkot.

*Sighed*

Ang tahi-tahimik dito sa library, ipinikit ko ang mga mata ko sabay sandal ng ulo ko sa pader. Gawain ko nato dito, minsan nga dito ako natutulog e. Kahit idlip lang, walang nakakakita sakin dahil tagong tago yung pwesto ko dito.

Nakakamiss si Sir. Yuji. Namimiss ko na yung mga mata nyang palagi akong tinititigan. Yung mga araw na hinahalikan pa nya ko sa noo at pisngi. Yung isang beses na nakita ko syang natutulog at binalak ko pa syang halikan kaso mission failed. Sabi na nga ba dapat ginawa ko na yun e! Di yung nagsisisi ako ngayon, kainis.

Bigla kong naalala yung necklace na bigay ni Sir, tinanggal ko yun at tinitigan yun sa kamay ko.

"Hoy, Sir. Ba't sinusungitan mo na ako ngayon? Hindi ka naman ganyan sakin, palangiti ka nga sakin diba? E ba't ngayon pag nakikita mo 'ko parang tumataas yung alta presyon mo? Parang araw araw meron ka pag nakikita mo 'ko. Tapos magkasama kayo palagi ni Ms Lina. Kayo na ba? Gusto mo ba sya? Type mo? Wag naman. Nakakaselos kayo eh, akala ko ikaw mapapaselos namin ni Thunder pero ba't ganon? Parang wala ka namang pakialam. Ang sunget sunget mo, alam mo bang minsan tinititigan lang kita sa klase mo? Pakiramdam ko kasi ang hirap mong abutin, para kang stars na nandyan lang sa harapan ko but yet you're so freakin' far!"

Habang kinakausap ko yung necklace parang naiiyak ako.

"Miss na miss na kita Sir eh. Wala na bang Mathlete ulit? Gusto kong maging representative mo ulit para araw araw may review tayo. Nakakainis ka naman kasi ang dami mong babae, hindi mo ba talaga ako napapansin? Maganda naman ako, sabi mo pa nga I'm an interesting girl pero ba't hindi mo ako magustuhan? Yan hirap sainyong mga lalaki, ang hilig nyo magbigay ng compliment saming mga babae tapos pag nafall kami, at nasanay kaming palagi kayong nandyan, bigla naman kayong mawawala. Ang hirap hirap nyong basahi--"

"Ms. Briones."

Napatigil ako sa pagsasalita ko ng marinig ko ang boses nya. Boses nya yun diba? Hindi ko yun guni guni? Dahan dahan kong nilingon yung ulo ko at tama nga ko. Lord, please ganito nalang sya palagi kalapit sakin? Kahit hindi sya magsalita ok lang basta magkalapit kami.

"S-sir Yuji."

"Are you ok?"

Bigla kong tinago yung necklace na hawak ko at humarap kay Sir.

"A-ayos lang po Sir, kanina pa b-ba kayo dyan?"

Kinakabahan ako, narinig nya kaya lahat ng sinabi ko?

"No, I just got here when I heard your voice."

Ang lamig ng mga mata nya, parang gusto kong tumayo at yakapin sya kaso wag.

"I'm actually looking for a place to read this book, can I join you?"

Join me? KYAAA! SURE!

"Um, s-sige po kaso walang pong upuan dito sa sahig lang ako umuup--"

Natigilan ako ng bigla syang tumabi sakin sabay upo nya sa sahig. Nginitian pa nya ako. Wala syang arte kahit madumihan yung pantalon nyang itim na itim.

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon