CHAPTER 12

5.6K 187 15
                                    





Lunch break, sinundo ako ni Jess sa room. Sabay sabay kaming tatlo nila Penny na  pumunta ng cafeteria. Umorder ng pagkain at umupo sa paboritong upuan naming tatlo sa bandang gitna.




"Ewan ko ba sainyo ba't parang ang dali lang sainyo ng Math. Hirap na hirap nga ako doon tapos sainyo parang sisiw lang." Reklamo ni Penny saming dalawa ni Jess.



Natatawa naman kami sakanya dahil bawat salitang sinasabi nya, subo sya ng subo ng pagkain sa bibig nya.




"Hoy, stress eating ka na naman. Magdahan dahan ka nga." Sita ko pa sakanya.




"Magkalaban nga kami ni Karlota e. I'm sorry bespren, ngayon palang sinasabi ko na matatalo kita."

Hawak hawak pa ni Jess yung kamay ko na parang nagluluksa sa pagkatalo ko e wala pa naman. Binatukan ko sya sabay sagot ko naman sakanya.




"Baka nakakalimutan mo ako ang tutor mo nung highschool sa Math. Kung ako ang nagturo sayo kaya ka gumaling ng ganyan, ako rin tatalo sayo."

Natatawang sagot ko. Totoo naman tutor nya ko dati, hindi lang sa Math lahat ng subjects ako tutor nya noon.




"Sus, tumigil nga kayo. Puro kayo patagisan, kung magkalaban pala kayo sa Mathletes sinong ichicheer ko nyan sainyong dalawa?"

"Both." Sabay na sagot namin ni Jess.




Kwentuhan lang kami ng kwentuhan dahil matagal narin yung huling beses na sabay sabay kaming tatlo kumain ng mapatingin ako sa entrance ng cafeteria at ikinasama na naman ng loob ko yung nakita ko.





"Uy, Si Sir. Yuji at Ms. Lina oh" Sabi ni Penny.


"Sila ba? Parang lagi ko nalang silang nakikitang magkasama." Dagdag pa ni Jess.



"Siguro, bagay naman sila. Maganda si Ms. Lina, gwapo si Sir. Yuji at parehas pa silang instructor sa Math. Ang talino siguro ng magiging anak ng dalawang yan pag nagkataon." Sinamaan ko ng tingin si Penny sa sinabi nya.




"Ay...Sorry, may nasasaktan pala dito." Sabi na naman nya.




"Crush mo si Sir. Yuji?" Tanong sakin ni Jess.



"Konte." Maikling sagot ko.





"Anong konte ka dyan? E kulang na nga lang poster ni Sir. Yuji sa kwarto mo tapos nametag pa dyan sa uniform mo kung makapantasya ka kay Sir!" Sabat na naman ni Penny. Meet Penny, ang madaldal na MADALDAL na kaibigan ko sa lahat.




"Whoa, nako bespren tigil mo na yan wala kang pag-asa dyan. Tsaka diba bawal magkaroon ng relasyon ang Prof at ang estudyante nya? Rules kaya yun."

Nakikinig lang ako sa pinagsasabi ng dalawa pero yung mata ko na kila Sir at Ms. Lina.






Bakit ba palagi silang magkasama? Sino bang nag-aaya sakanila? Si Sir Yuji ba? SASAPAKIN KO NA SYA KONTI NALANG!

Si Ms. Lina ba? ALAM KO BAHAY NYA SUSUNUGIN KO YUN HABANG NANDUN SYA KONTING LANDI PA NYA!



Natigilan naman ako ng hawakan ni Jess yung baba ko, at hinarap sa mukha nya.




"Bespren, tama na kakatitig mo sakanila. Kulang nalang death ray dyan sa mata mo malamang kanina pa sila sunog." Napangisi naman ako sa sinabi nya.

My Professor, My Love.Where stories live. Discover now