CHAPTER 21

5.2K 149 4
                                    


Raven's POV

Oh, nagulat kayo may Point of view ako dito sa walang kwentang lovestory ng kapatid kong si Karlota. Baka bida bida naman isipin ng iba dahil pumasok ako sa kwentong to, pero kase isang linggo ng nagkukulong dito sa bahay at hindi pumapasok sa school si ate. (Nabigla na naman kayo tinawag ko syang ATE.) Ate naman talaga tawag ko sakanya, hindi nga lang sa harapan nya dahil baka maTats sya saken.

Nagsimula yan nung umuwi sya nung nakaraang linggo galing school na namumutla at namumugto yung mga mata nya, halatang umiyak sya pero hinayaan ko lang sya that time kase ganyan naman kayong mga babae. Kahit maliit na bagay iniiyakan nyo kaya hindi ko sya pinansin nun. Halos tatlong araw syang nagkulong sa kwarto nya tapos sumunod na araw naman nung lumalabas na sya ng kwarto nya palagi syang nasa sala at nanonood ng One More Chance ng PAULIT ULIT sa loob ng dalawang araw. Yung kay Popoy at Basha? Galing ako sa school nun ng maabutan ko sya sa sala.

"Isang buong cake, dalawang box ng pizza, isang litrong ice cream, papatayin mo ba sarili mo kakakain dyan Karlota?"

Lumingon sya sakin habang nakataas ang mga paa nya sa sofa at nanonood ng One More Chance.

"Mm?" May nakasubo pang kutsara sa bibig nya at kasalukuyang kumakain ng ice cream.

"Kain ka ng kain, isang linggo kanang ganyan hindi kapa pumapasok sa school, gusto mo isumbong kita kay Mama?"

Tiningnan nya lang ako, hindi nya ko sinagot sabay harap sya ulit sa TV. Ganyan sya kain ng kain buong araw.

Naalala ko pa nung Martes parehong scenario, kumakain sya sa harap ng TV habang nanonood padin ng One More Chance pero that time umiiyak na sya at singa ng singa sa tissue na nasa tabi nya.

Tumabi ako nun sakanya at nakikikain ng pizza ng biglang syang magsalita habang umiiyak ng nagpupunas ng tissue.

"She had me at my worst, you had me at my best, pero binalewala mo lang lahat yun. BAKET? BAKET!?"

*IYAK*

*Singhot*

*Singhot*

*IYAK ULIT*

Nakatingin na ko sakanya, pero wala syang pakiramdam. Iyak lang sya ng iyak, hagulgol ng hagulgol ng kalabitin naman nya ko.

"Ano?" Tanong ko.

"Bili mo ko tissue." Nagsalubong mga kilay ko sakanya, kahapon ako din bumili ng mga tissue nya, ng dahil sa kakaiyak nya lahat yun naubos nya. Tumayo ako at tiningnan sya.

"Ayoko. Karlota umayos ka nga, ano hindi kana talaga papasok ng school? Diba may Mathletes kayo? Representative ka don diba?"

Hindi na naman nya ko sinagot sabay bato sakin ng wallet nya na agad ko namang nasalo.

"Tissue isang pack yung apatan ang laman, tsaka bili mo ko tobleron." Sabay irap nya sakin.

"Ayoko." Binato ko yung wallet nya pabalik sakanya ng magsalita sya ulit.

"Pag di mo ko binili, hindi ko ibibigay allowance mo sayo." Sya kase naghahawak ng allowance ko na pinapadala samin nila Mama galing states.

Wala na naman akong nagawa kaya pumunta na naman ako ng supermarket nun.

Nung isang araw naman ng tapos na yung One More Chance na pinapanood nya for the NTH TIMES, papalitan ko na sana ng pigilan nya ko gamit yung paa nya.

"Hep. Anong gagawin mo?"

"Papalitan yung cd, tatlong araw mo ng pinapanood yan ng paulit ulit hindi kaba nagsasawa?!"

"Hindi. Wag mong papalitan yan kundi wala kang allowance."

Wala na naman akong nagawa nun, makalipas na naman ng ilang minuto umiiyak na naman sya. Anak ng, brokenhearted ba sya? Ang sarap sirain ng TV dahil puro Popoy at Basha ang naririnig ko sakanya tapos hagulgol sya ng hagulgol.

Malamang pag wala akong ginawa para matigil sya dyan sa kakangawa, next week ganyan padin yan at hindi parin sya papasok kaya napilitan na kong tawagan yung taong makakapigil sa pinaggagagawa nya sa buhay nya.

"Isang linggo ng hindi pumapasok si Karlota at nagkukulong dito sa bahay. Pag di ka pumunta dito agad, mapipilitan akong sunugin yung bahay habang nandito sya sa loob!"

Message sent.

Umilaw yung phone ko at nagreply naman sya agad.

"Papunta na ko."

Napangisi naman ako kaya bumaba agad ako at tinabihan si ate.

"Hindi ka talaga titigil dyan?" Panimula ko pa.

"Titigil saan?"

"Dyan sa kakaemote mo, kakangawa mo, kakakain mo, at kakapanood mo ng One More Chance ng lintik na paulit ulit sa buong isang linggo."

Nakatingin lang ulit sya sakin sabay subo na naman ng cake na kinakain nya.

"Sige, ayaw mo diba? Papunta na si Thunder dito." Tumayo agad ako at kitang kita sakanya na nagulat sya sa sinabi ko.

Tumakbo agad ako sa kwarto ng marinig ko pang sumigaw sya.

"BAKIT MO TINAWAGAN YON?! YOU ARE SO DEAD!"

Sinarado ko agad yung pinto ko at narinig ko pang kinakalampag nya yung pinto ko.

Sino si Thunder? Ex nya.

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon