CHAPTER 49

4.9K 142 3
                                    


Tahimik, walang imikan. Tatlong pares ng mga mata ang nakatitig samin, mata ni Raven, Papa at Mama. Nakaupo lang kaming dalawa ni Yuji sa sofa at nakaharap sakanila. Nakayuko, speechless, hindi ko alam kung paano nagsisimula ang pagpapakilala ng boyfriend sa mga magulang.

"Um.."

"Wag kang magsalita, Karlota. Sya ang gusto kong marinig na magsalita at hindi ikaw." Sabi ni Papa.

*GULP*

"Mahal mo ba ang anak ko?" Panimulang tanong ni Papa kay Yuji.

Straight body, seryoso at hindi nahihiyang makipagtitigan sa mga magulang ko. Ganyan yung postura ni Yuji sakanila.

"Mahal na mahal ko po anak ninyo." Diretsong sagot nya. Hinawakan pa nya yung kamay ko sa harapan nila.

"Professor ka at estudyante si Karlota. Anong pumasok sa utak nyong dalawa na pwede ang relasyong nyong yan?" Tanong naman ni Mama.

Nakatingin nga sya ng masama sakin kaya yumuko nalang ako, ako pa sana sasagot pero hinigpitan ni Yuji yung paghahawak nya sa kamay ko para di ko matuloy yung sasabihin ko. Talagang gusto nyang sya lang ang sasagot sa lahat ng tanong nila.

"Hindi planado ang pagkakagusto ko sa anak nyo. Nagsimula lahat nung naging representative ko sya sa Mathletes."

Napaangat naman yung ulo ko at napatitig ako sakanya habang nagsasalita sya.

"Sa araw araw na nakasama ko ang anak nyo sa oras ng pagrereview namin, mas nakilala ko ang pagkatao nya. Matalino, maunawain at alam nya lahat ang nangyayari sa paligid nya. Malawak ang pagiisip ng anak nyo na sya namang nakakuha ng atensyon ko. She loves writing stories which makes me love her even more. She has this story that caught my attention, she even explained it to me how and why she wrote that story. Basically, I saw myself in her and noticed that she has this traits  that I'm looking for. She can always makes me smile all the time. Isn't that the one thing that you would fall for, Sir? Ang mapatawa ka ng isang babae kahit na ang sungit sungit mo sakanya. Yung napapangiti ka nya kahit na sirang sira na yung araw mo. Yung babaeng naging dahilan ng pagpasok ko sa trabaho dahil alam kong makikita at makikita ko ulit sya. Yung mga ngiti nyang hinahanap hanap ko tuwing pumapasok ako sa classroom nila, yung babaeng hinahanap hanap agad ng mga mata ko sa araw araw. She's that girl, Sir. And whatever what happens, I will protect and love her each day. Kahit na alam kong bawal at nasa rules yun ng eskwelahan, I really don't care anymore. I'm willing to quit my job just for her."

Halos mangiyak ngiyak ako sa mga narinig ko sakanya. Tiningnan pa nya ko ng sabihin nya yung huling sentence nya, nagtutubig yung mata ko. Ayan na, tutulo na sorry I can't help it.

"Uwaaa!"

Nalipat yung tingin sakin nila Mama, Papa at Raven ng agawin ko yung spotlight kay Yuji. Natouch ako! Ang sweet sweet nya! Papakasalan ko na sya! Pakakasalan ko na sya!!

*PAK!*

"Aray naman, Ma!" Binato ako ni Mama ng tsinelas nya at tumama yun sa ulo ko.

"Ang seryo-seryoso ng mga sinabi ng Professor mo tapos iiyak iiyak ka dyan." Tinaasan pa ko ni Mama ng kilay. Ay, ang taray.

"Ang korni, para akong masusuka dito. Makaalis na nga." Bulong pa ni Raven sabay akyat nya sa kwarto nya.

Natawa nalang si Yuji at sila Mama at Papa sakanya. Nagtatawanan na sila? Ibig sabihin ba nun tanggap na nila si Yuji? Laya na kami?

"So...ok na po ba? T-tanggap nyo na yung relasyon namin?"

Tumigil sa kakatawa si Papa at Mama sa sinabi ko. Teka, nagtatanong lang naman ako ah. Sige na binabawi ko na, tawa na kayo ulit.

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon