CHAPTER 39

5.8K 168 8
                                    


Sabado, walang pasok. Puyat na puyat ako. Inabot na kasi kami ng hating gabi nila Jess at Thunder sa kakalaro ng video games dito sa bahay. Yep, kasama namin kagabi si Thunder. Mga 8pm ata yun pumunta sya sa bahay para mapagusapan namin yung design ng tshirt na susuotin namin sa competition, e naabutan nya kaming naglalaro ni Jess sa sala. Ayun, nakisali nadin sya samin. Nagpaorder ako ng pizza, bumili kami ng maraming snacks, kundi ko pa nga sila pinauwi nun baka nagovernight na sila dito. Nagkasundo naman si Thunder at Jess kahit may konting iringan dahil pansin kong ayaw ni Jess kay Thunder kasi nga pakiramdam nya inaagaw ako ni Thunder sakanya bilang bestfriend nya. Nagenjoy naman kami na wala akong inaawat na nagaaway o nagsusuntukan so yeah, it was a great night with my two boy "FRIENDS".

"KARLOTAAA!"

"Ang aga aga SUMISIGAW KA NA NAMAN!"

Kami ng magkapatid na nakalunok ng megaphone sa kakasigaw. What to do? Kaming dalawa lang nakatira dito at ganun kami magcommunicate sa loob ng bahay.

"MAY NAGHAHANAP SAYO BUMABA KA NGA DITO!"

Kinapa ko yung phone ko sa ilalim ng unan ko at nakita kong 3pm nadin pala. Bale 12 hours din akong tulog dahil 3am nadin ako nakatulog kagabi.

Medyo antok pa 'ko pero bumaba na agad ako ng hindi nagaayos. Nagkakamot pa ko ng ulo ko ng makarating ako sa sala at makita ang taong nakaupo sa sofa.

"Goodmorning Ms. Briones." Ang laki ng mga ngiti nya ng batiin nya ko. He's wearing a black sweater which makes his chest more obviously delicious and his broad shoulders whose screaming to get out of his sleeves. Inshort, nakacivillian sya at first time ko syang makitang hindi nakapolo.

*Blink*

*Blink*

Nanlaki lang ang mata ko habang nakatitig ako sakanya. Anong ginagawa nya dito sa bahay at may dala syang flowers? May patay ba? Oo, Karlota yung puso mo patay na patay sakanya. Ack!

"Messy hair, big tshirt and short shorts. I guess, you just woke up Ms. Briones." Nakangisi sya halatang natatawa sya sa itsura ko.

Agad akong napatingin sa sarili ko at nakashort shorts nga ako na mas maikli pa sa pempem shorts which is kaya nga sya tinawag na short shorts at malaking tshirt. Ganito palagi pangtulog ko dahil mas komportable ako dito.

Dahan dahan akong umikot ng hindi nagsasalita at lumalayo ng tingin sakanya.

"Aren't you gonna greet me or something?"

Nakatalikod na ko sakanya pero rinig na rinig ko paring tumatawa sya ng mahina. He just saw me with my hair looks like I got into a catfight, I won't blame him for laughing.

"Um..mag um..magpapalit lang po ako S-sir." *Takbo* Mas mabilis pa ata ako kay flash na pumunta sa kwarto ko.

Hindi ko alam uunahin kong gawin naglalakad lang ako ng pabalik balik sa loob ng kwarto ko. Nasa baba sya...with flowers! Nanliligaw ba sya? Ba't wala syang pasabi? Nakita sya ni Raven, magsusumbong yun kila Mama!

Halos halughugin ko na yung drawer ko makahanap lang ng maayos na maisusuot ko sa harapan ni Sir. Naghilamos at nagayos pa ako na hindi ko naman ginagawa dahil tali lang ng buhok ayos na ako pag ganitong sabado pero para magmukhang presentable kay Sir magaayos ako para sakanya!

Inabot ata ako ng 20 or 30 o 40 mins na ata ng bumaba ako at makitang nakaupo ng magkatapat si Raven at si Sir. Nakade-kwatro si Raven kung umupo habang nakacrossed arms at tinititigan si Sir.

"Psst!" Sitsit ko kay Raven habang pinandidilatan ko sya ng mata para umayos sya ng upo nya.

"Sorry Sir natagalan po ako." Pasimple ko pang tinutulak si Raven para umalis sa sofa at iwan kami ni Sir magisa pero ayaw nya. Nakatingin parin sya kay Sir na para ko syang Ama.

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon