CHAPTER 60

4.2K 107 3
                                    


RSC (Regionals Science Camp) Day 1

I woke up 3am, natulog ako 2:45am. So, yes. 15mins lang tulog ko. Hindi nga tulog tawag dun e, idlip lang.

*KRING* *KRING* *KRING*

"Alarm magretired kana naunahan na kitang gumising." Bulong ko habang bumabangon at patayin yung alarm.

I was up all night thinking Yuji's has a son or a daughter maybe. Hindi ko alam kung paano magwowork out yung relasyon namin ngayon. May baby na sya, kay Maxine. They're family now at sino naman ako? Lumalabas na panira ako ng pamilya nila.

"Ugh, inaantok pa ko."

*BOOGSH!*

Binagsak ko yung katawan ko sa kama, there is no way na babangon ako ngayon. Yung antok na kanina ko pa inaantay, ngayon lang dumating kung kailan kailangan ko ng maligo.

"I'm...I'm slee..sleepy."

*Eyes Closes*

---

MINUTES LATER..

"KARLOOOTA!"

*PAK!*

"SHAA!"

"Bakit nyo ba 'ko sinisigawan?! Tsaka anong ginawa nyo sa kwarto ko?!"

Ang dalawang kumag na si Travis at Jess sinigawan ako sa tenga kaya yun nasuntok ko si Travis sa mukha. Sila kaya magulat?

"Bangon na Cha! 3:45 na hindi kapa naliligo. Halika na!" Hinihila ako ni Jess pero ayokong bitawan yung unan ko.

*BARK! BARK!*

"Bite them, Clover. Ginigising nila si Mommy go!" Utos ko pa sa baby ko pero paglapit nya kay Travis, pinagdidilaan nya sya sa mukha.

"Sha, bait naman ng aso mo oh. Type ako hahaha!" Nakahiga na sa sahig si Travis at lips to lips kay Clover.

Clover, you traitor. Sabi ko kagatin mo hindi dilaan!

"Cha, bangon na! Late na tayo uy!"

Yakap yakap ko parin yung unan ko. Ayoko, ayoko na antok na antok pa talaga ak--

"JESS!! BITAWAN MO KO! OY!! INAANTOK PA KO EH!" Bigla akong binuhat ni Jess papunta sa cr at binato sa mukha ko yung tuwalya ko.

"Maligo kana bilisan mo ok?" Sabay sarado nya ng pinto ng banyo ko. Asar.

No choice, nasa banyo naman na ako lahat lahat e naligo nalang din ako. Sabon dito, kuskos doon. Shampoo dito, conditioner doon. Pagkatapos ko maligo, pinalayas ko sila sa kwarto ko. Buhat buhat naman ni Travis si Clover nung bumaba sila. Close na agad sila, si Jess naman binibaby talk din si Clover. Ngayon lang kasi nila nakita yun.

Matapos ko magayos, magimpake ng mga gamit ko bumaba na agad ako. Nagpaalam kami kila Mama at Papa atsaka bumaba palabas ng gate.

"Sha, mukha kang zombie wala kabang tulog?" Siko sakin ni Travis.

"Sa bus nalang ako matutulog." Maikling sagot ko. Nakajacket ako habang may nakasalpak na earphone sa tenga ko.

Nagkukwentuhan silang dalawa ng mga plano nila pag nakarating na kami ng Batangas, ako naglalakad lang at nakafull volume yung music na pinapakinggan ko ng may umilaw na headlight ng sasakyan sa likod namin.

Alam ko kung sino yung taong nasa sasakyan at NO. Wala akong balak kausapin sya dahil wala, wala akong maisip na sasabihin sakanya ngayong alam ko ng may anak sya.

Kita ko yung anino ko na ako nalang yung naglalakad. Palayo nadin ako sa ilaw ng bigla kong makita si Yuji sa harapan ko at hinaharangan ang dinadaanan ko.

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon