CHAPTER 14

6.1K 169 6
                                    


"Huy, kanina kapa nakangiti dyan." Pisil ni Jess sa ilong ko, hinampas ko naman kamay nya.

"Wag ka nga, masama bang ngumiti?"

"Oo lalo na kung walang dahilan! Baliw kana bespren?"


*PAK!*

Binatukan ko nga.


"Haha, bakit ka nga nakangiti dyan? Parang ang saya mo."



Oo masaya ako kasi nagugustuhan na ko ni Sir, konting kembot nalang!




"Si Sir. Yuji no?" Tanong pa nya.

"KYAAAA!!!!" Pinakawalan ko na yung kilig na kanina ko pa pinipigilan. Pinaghahampas ko pa sya dahil pakiramdam ko sasabog na ko sa sobrang saya ko.

"Uy! Ano ba wag ka manghampas! Uy ano ba!" Inaawat nya yung kamay ko pero hindi nya mahuli.



"Una, sabi nya interesting girl daw ako, pangalawa hinatid nya ko sa bahay and he kissed me on my cheeks sabay pisil nya din sa pisngi ko, pangatlo sabi nya anyone would be lucky to date or have me! EEEEEE!!!"



*BITE*

Sa sobrang kilig ko kinagat ko sya sa balikat. Hindi ko mapigilan yung kilig ko!



"Aray!!! Aso kaba? Bigla kang nananagat!"


"Waah! Can't help it. Sorry bespren." Sabay pisil ko sa pisngi nya at ngiti ko sakanya, he pouted.


"Maghunos dili ka nga, tsaka Prof yan. Bawal maging kayo ok?"



"Oo sa loob ng campus bawal, pero pag nasa labas na kami, wala ng bawal bawal! Hahaha!" Bigla nyang pinitik yung tenga ko.



"Aray naman." Reklamo ko habang hawak sa namumula kong kaliwang tenga.


"Sigurado kabang crush mo lang yan? Baka naman mahal mo na yan."



"Well, sabi nila pag nagtagal ng 3months yung pagiging crush mo sa isang tao, they said it's not crush anymore." Sagot ko.

"Gano katagal mo na bang crush yang Prof mo?"



"Almost 9 months na."


"Tamo, love na yan nararamdaman mo kaya itigil mo." Binuksan nya yung Mr. chips at sinubuan ako.


"I can't stop Jess. Gustuhin ko man, puso ko na nagdidikta eh. The heart wants what the heart wants bespren." Nilapit ko pa mukha ko sakanya pero pinitik nya ulit ako this time sa noo naman.


"Nakakailan kana ah!" Binitawan ko yung bag ko at pinagpipitik sya sa noo nya ng sunod sunod.




Nagkukulitan na kami, kinikiliti naman nya ko kaya tawa ako ng tawa. Nasa park kami sa harap ng campus, nakaindian sit lang kami sa damuhan habang pinagmamasdan yung ilog. Dito kami madalas tumambay na dalawa, minsan picnic kami nila Penny dito. Bukod sa maganda dito, e harap lang din talaga ng campus kaya madaling mapuntahan ng mga estudyante.



Mayamaya may lumapit saming babae at kinausap nya si Jess.

"Hi Jess."

"Oh, Irene!" Tumayo agad sya at pinagpagan yung pantalon nya.

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon