CHAPTER 63

3.7K 116 3
                                    


(Regionals Science Camp) Day 3

*KLING!*

*KLING!*

*KLING*

Nagising ako sa nakakairitang ingay sa labas. Parang kinakalampag na kaserola.

"Ang ingay!" Sigaw ko sabay talukbong ng unan sa mukha ko.

"Oh, shit. 4am na, sabi ni Sir. Hunt maaga tayo ngayon." Sinilip ko naman si Jess na ang gulo ng buhok at ang pungay pa ng mga mata dahil nagising lang din sya sa ingay sa labas.

"Ayokong bumangon, ayokong bumangon, ayoko buma--AHH!!"

Napalingon naman ako sakanilang dalawa dahil biglang sumigaw si Travis. Hawak hawak pala ni Jess yung paa nya at kinikiliti yun, nakadapa sya kaya wala syang magawa kay Jess.

"Ayaw mong bumangon ah!"

"Tama na! Hahahaha! Oy! Hahahaha! JESS! HAHAHA ANO BA OY! NANG--HAHAHA! NANGHIHINA NA 'KO!"

Iimagine nyo si Travis nakadapa, nakasubsob yung mukha sa unan at wala syang magawa kundi tumawa ng tumawa.

"Ang ingay nyo, para kayong magjowa." Bulong ko habang nakatalukbong ako ng kumot.

Bigla naman silang tumahimik, so I guess masunurin sila ngayon. Good, dahil antok na antok pa ak---AAHHH!!

"Sinong magjowa ha? Sinong magjowa Cha?"

"Kahapon mo pa kami inaasar ha! You're dead Sha!"

"AHHH!! HAHAHAHA! SASAPAKIN KO KAYO! ANO BA! HAHAHA STO--HAHAHA STOP!! HAHAHA!"

Halos kapusin ako ng hininga dahil hawak ako ni Travis tapos kinikiliti naman ako ni Jess. Hindi ko naman sya masipa dahil inupuan nya yung legs ko, mangiyak iyak na ko sa kakatawa at kakasigaw ng biglang may bumukas ng tent namin. Napatingin naman agad kaming tatlo.

"Mr. Madrigal, Rajishima at Ms. Briones. Hindi nyo narinig yung kalampag kanina? Oras na ng activity kaya bumangon na kayo dyan. At Ms. Briones, ayusin mo yang sarili mo para kang narape sa itsura mo." Si Sir. Hunt at sinarado na nya ulit yung tent namin.

1

2

3

*TING!*

"HAHAHAHAHA! TAMA NA! JESS! HAHAHA TRAVIS! HAHAHA!"

Napagsabihan na kami ni Sir. Hunt pero wala, hindi parin ako tinigilan nung dalawa hanggang sa umiiyak na ako sa kakatawa.

---

6 am. Lahat ng mga estudyante mula sa iba't ibang schools nandito sa kalagitnaan ng camp site. Nagsasalita naman yung nga iba't iba ring mga Prof from different schools. Sinasabi na nila yung gagawin naming activity ngayong araw, lahat sila nakikinig pero ako hindi ko magawang lubayan yung tingin ko sa kaloob looban ng gubat. Pakiramdam ko nakatingin sya samin at nakatayo lang sya dun.

"Psst." Sitsit ko kay Travis.

"Nakikita mo ba yung nakatayo banda dun?" Ngumuso pa ako sa direksyon na tinititigan ko mula pa kanina.

"Saan?" Tinitingnan nya kung sang direksyon nakaturo yung nguso ko pero parang wala syang nakikita.

"Dun! Sa may bandang tent natin, feeling ko may nakatayo dun tinitingnan tayo dito." Nakatingin na kami parehas ni Travis dun sa tinuturo ko ng maki-usyoso naman si Jess.

"Anong tinitingnan tingnan nyo dyan?"

"Halika dali." Bigla ko namang hinila yung tshirt nya at tinuro ko din sakanya yung tinitingnan namin ni Travis.

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon