CHAPTER 25

5.3K 161 0
                                    


MATHLETE'S MONTH

Maaga akong gumising para magluto ng breakfast at maghanda para sa competition ngayong araw. Nakapolo shirt ako na Black and Orange ang combination color, gawa sya ng campus at lahat ng lalaban sa Mathletes ngayon ay nakasuot ng ganito. Tinali ko yung buhok ko na palaging nakalugay, I wear my watch and grabbed my bag then viola! Ang simple ko magayos, lalaban naman kasi ako at hindi pageant yun para magpaganda.

Pagbaba ko nakita ko si Raven na kumakain ng umagahan.

"Baka gabihin ako ng uwi, dalhin mo yung susi mo dala ko rin susi ko. Isarado mo yung bahay at wag kang magdadala ng puro kababaihan dito kundi kakalbohin kita."

"Oo na, goodluck!" Tinaas pa nya yung kamay nya, ngumiti naman ako at nakipagapir sakanya.

As I got out of the house, I sighed. Ito na yun, laban na. Lahat ng estudyante sa campus manonood ngayon, kailangan ko manalo para ipakita sakanila na may laman ang utak ko at hindi ako pokers na kailangang mangakit ng prof para pumasa.

--

Pagdating ko sa school may mga kasabayan akong nakasuot din ng polo shirt na katulad ng ang akin. Yung iba binati ako, pero yung iba ganun padin tingin sakin. Nako bahala kayo sa buhay nyo, hindi ako inire ng nanay ko para iexplain yung sarili ko sainyo.

"SHAAAA!!" Napalingon agad ako sa likod dahil isang tao lang naman tumatawag sakin ng 'Sha'

"T-thunder?" Hinihingal sya sa kakatakbo nya at niyakap ako. Nakasuot din sya ng polo shirt na suot ko, don't tell me..

"Naks, ganda ng Shasha ko." Shasha ko? Sinikmuraan ko sya na palagi kong ginagawa sakanya dati, pero asual nasasangga nya palagi.

"Eto talaga hindi kana nagbago. Buti naman pumasok kana, tara na nasa cultural dali!" Hawak nya yung kamay ko pero hindi ako nagpapahila sakanya.

"Hindi ako makakapasok dyan ng hindi kasama yung handler ko." I'm pertaining to Sir. Yuji, nasaan na ba kasi yun?

"Oo ngapala, nasaan ba handler mo? Nasa loob na yung may hawak sakin e, samahan kita?"

Nagiisip ako kung magpapasama pa ko sakanya ng bigla syang magbeautiful eyes. Yung kinukurap kurap nya yung mata nya.

"Panget mo. Tara na nga."

"Yez!" Pumasok kami sa building habang nakaakbay sya sakin. Sanay na ko dyan, kung bibigyan man kami ng malisya ng mga kaschoolmates ko dito bahala sila, heartrob yan si Thunder sa school nila. Kaya nga naging crush ko sya dati eh.

Pumunta kami sa office ni Sir dahil sya ang kailangan ko para makapasok sa cultural kung san gaganapin yung competition. Pagdating namin sa 5th floor hallway, bubuksan ko na sana yung pinto ng may marinig kaming babaeng sumisigaw mula sa loob.

"Please, Yuji. Magsimula tayo ulit, alam ko nagkamali ako noon pero pangako aayusin ko na ngayon. Just give me another chance and let's start over."

Kung hindi ako nagkakamali boses ni Maxine yun. Nandito sya? Na naman?

"Max, I've already gave you a lot of second chances. Oo mahal kita, pero sa sitwasyon natin, love is just not enough. Mas mabuti na yung hanggang magkaibigan lang tayo, hanggang dun lang talaga maiooffer ko sayo."

Binubulong nya pangalan ni Maxine nung tulog sya diba? That means he loves her pero ba't tinataboy nya si Maxine?

"Is this about her?"

Her? Sinong Her?

"What are you talking about?" Tanong pa ni Sir.

"That bitchy student of yours!"

Napatigil ako saglit sa narinig ko, ako tinutukoy nya? At ako BITCHY?!

"Wag mo syang idamay dito. Ikaw na nga nagkalat ng issue saming dalawa, ginamit mo pa ibang tao para sundan kami, kahit wakang malisya binibigyan mo makahanap kalang ng butas para sirain sya. Nakikilala mo pa ba yung sarili mo? Estudyante ko yung sinisira mo, kung papapiliin mo ko sainyong dalawa kung sino poprotektahan ko, sya ang pipiliin ko dahil mas importante sya sakin. So, you either stop what you are doing o ako ang makakalaban mo."

Hindi ko alam kung kikiligin ako o ano pero si Maxine ang may kagagawan ng lahat? What the hell was she thinking?!

"Halika na ang chismosa mo nakikinig kanang away ng iba." Hinihila ni Thunder yung kamay ko pero nakadikit padin yung tenga ko sa pinto.

"Sandali lang." Pigil ko pa. Inaantay ko yung sagot ni Maxine e.

"Wow, so it's true. You like her right? Ikaw, Yuji tinitingnan mo ba yung sarili mo? Professor ka at estudyante sya, anong iniisip mo?"

Nanlaki yung mga mata ko sa mga naririnig ko. Bakit ba ako pinaguusapan nila?

(Crackling)

Bigla akong napatakbo at hinila si Thunder para magtago kami ng makita kong may lalabas sa office ni Sir.

*BLAG!*

Lumabas si Maxine na binagsak yung pinto. Sa sobrang lakas pakiramdam ko narinig yun sa buong floor pero buti wala masyadong tao dahil nasa baba na sila para sa competition. Nagdadalawang isip ako kung pupunta na ba ko sa office ni Sir, ayoko sana dahil malamang mainit pa ulo nun pero late na kami kaya pupuntahan ko padin sya.

*Knock.Knock*

"Come in." Malamya yung boses nya, halatang wala syang gana.

Binuksan ko yung pinto at tumayo sya agad ng makita ako.

"Sir, inaantay na po lahat ng representatives at handlers sa baba."

Hindi sya sumasagot sakin basta naglalakad lang sya papalapit sakin at tinititigan ako sa mata ng biglang dumungaw si Thunder sa pinto na parang bata.

"Sha?" Biglang tumigil si Sir sa paglapit sakin at tiningnan nya si Thunder.

"Who are you?" Tanong pa nya.

"Ay, kaibigan ko po Sir si Thunder, taga MABS po sya regionals lalaban din."

"Good afternoon Sir." Nagbow sya kay Sir at nginitian nya ito na parang bata. Natawa naman ako sakanya parang syang 7 years old.

"Anyway Sir, antayin ko nalang kayo sa baba. Una na po kami." Ngumiti ako sakanya at lumabas na ng pinto.

Huling sulyap ko pa, nagiba na naman expression ng mukha nya ng makita nyang inakbayan ako ni Thunder.

----

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon