CHAPTER 64

3.6K 101 2
                                    


(Regionals Science Camp) Day 4

Mas maaga pa 'ko sa lahat ng nasa camp site nagising kaya naglakad lakad ako sa gubat. Yes, along the line. Lumagpas ako sa ipinagbabawal na linya, nasa Batangas ako at nasa bundok kami. Hindi ko 'to maeenjoy kung puro activities lang aatupagin ko dito. Plus, namiss ko rin bigla si Yuji. Napanaginipan ko nga sya, ano kayang ginagawa nun ngayon. Kumakain kaya sya sa tamang oras?

*CRACKLING*

Napatigil na naman ako, di kaya usa na naman yun? Hala, baka hinahanap na ko ng mga kalahi nung usang niluto ko nung isang araw, ako naman lulutuin ng lahi nila!

*CRACKLING*

"Omg, hindi ko naman po ginustong lutuin kalahi nyo eh. Hindi ako yung pumatay! Ako lang nagluto! Ok, kasabwat padin ako pero hindi ako mamamatay usa! I promise!"

*CRACKLING*

"Anong pinagsasabi mo?"

Nakaluhod ako, nakapikit at nakataas ang mga kamay. Yung inakala kong hari ng mga usa ang naririnig ko e yung mamamatay usa lang pala.

"Anong ginagawa mo dyan?" Tumayo naman ako agad at pinagpagan yung tuhod ko.

"Naglalakad lakad, e ikaw? Anong ginagawa mo dito? Tsaka anong pinagsasabi mo kanina? Para kang timang." May hawak syang patpat at inaalis nya yung mga sumasabit na sanga sa damit nya.

"Naglalakad lakad din. San ka galing?" Usisa ko pa dahil mukhang nakalayo pa sya kesa sa napuntahan ko.

"Dyan dyan lang. At kung may balak kang isumbong ako, wag mong kakalimutan na lumagpas karin sa border line no. Pag nagsumbong ka, ilalaglag din kita."

Ang defensive masyado, ba't ko naman sya isusumbong? Ano ko engot? Alam kong isusumbong nya rin ako pag nagsumbong ako no.

"Easy kalang hindi ako sumbongera no. Tabi nga" Dinaanan ko pa sya at nagdire diretso sa paglalakad.

"At sa tingin mo saan ka pupunta?"

"None of your business, Deer killer!" Sigaw ko pa ng makalayo ako.

Akala ko pabalik na sya ng camp site ng sundan nya 'ko.

"Hoy, Crybaby wait up!" Hinabol nya ko at sinamahan nya ko sa paglalakad.

"Don't call me a crybaby." Sabi ko.

"Then don't call me a Deer Killer."

"Tinatawag kitang Deer killer dahil totoo naman."

"Edi tinatawag din kitang crybaby dahil totoo din naman. Ang iyakin mo."

Tumigil ako sa paglalakad at hinampas sya ng patpat na hawak ko.

*PAK!*

"Aray!"

"Kung sisirain mo lang araw ko please lang bumalik ka nalang dun dahil hindi ko kailangan ng kasamang iinisin lang ako." Inirapan ko sya at nagpatuloy sa paglalakad ng may matanaw akong parang taong pinapanood kami.

"Saan kaba kase pupunta? Masyado na tayong nakalayo sa camp site, pag nalaman pa to nilang Professors patay tayong dalawa." Sabi pa ni Avery pero hindi ako nakikinig sakanya.

"Shh!!" Hinarang ko pa sa mukha nya yung palad ko.

Sinusubukan kong titigan ng maayos yung taong naaninag kong tinitingnan kami ng bigla yung tumakbo.

"Hoy! San ka pupunta!"

"May tao dun! Tinitingnan tayo kailangan nating habulin yun baka isumbong tayo!" Tumatakbo na ako para habulin kung tao man talaga yung nakita ko o ano.

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon