CHAPTER 26

5.3K 168 4
                                    


Nagsimula ang competition sa iba't ibang representatives na taga ibang school. Kami naman ni Thunder magkatabi sa upuan kung san nandito lahat nakaupo yung mga lalaban. Tawa kami ng tawa dahil may pinagtitripan kami. Si Sir Yuji naman nasa likod at kanina pa kami tinititigan ni Thunder. Konting konti nalang talaga iisipin ko ng nagseselos yun.

"Mr. Yuji Salvatore's Representative, Charlotte Briones. Please come here."

Tumayo naman agad ako at naghigh five pa ko kay Thunder sabay thumbs up nya sakin.

"Goodluck Sha! Whoo!" Nakataas pa ang mga kamay ni Thunder at nagsisisigaw sya sa upuan nya. Baliw e.

Umakyat ako sa stage at kaharap ko na pala si Jess ngayon. Nginingitian nya 'ko, oo war kami dahil sa girlfriend nyang si Irene na palagi kong kaaway, e hinayaan ko nalang din. Tutal si Irene ang kaaway ko at hindi sya. Nginitian ko din sya at naghanda sa itatanong samin. Sumulyap pa ko kay Sir, tumungo sya sakin na tingin ko e he's saying goodluck to me or kaya mo yan in that way.

"Stage one, Word problems involving linear equations." Announce nung prof na taga ibang school o sabihin na nating sya yung host.

May nakahanda ng scratch paper sa harapan ko para siguro sa solutions. Linear equations, at stage one palang. I wonder ano yung topic pag last stage na.

"Question number one."

Tumingin ako kay Jess at halatang halata seryosong seryoso sya sa sasabihin ng host. Competitive talaga tong mokong nato.

"The sum of two numbers is 56. Their difference is 18. Find the numbers."

Nagsimula agad akong magsolve pero lalabas palang yung answer sa solution ko e nagbuzz agad si Jess.

"The numbers are 19 and 37."

"That is correct. 1 point for Mr. Madrigal."

Tumingin sakin si Jess at tinungo yung ulo nya sakin sabay ngiti pa sakin ng nakakaloko. Natawa naman ako, competitive talaga sya sige this time kailangan ako naman makascore.

"Question number two."

I grabbed my pen as tightly as I can and for the question.

"A certain two-digit number is two more than eight times the sum of it's digits. If 54 is subtracted from the number, that digits would be reversed. Find the number."

This time I used my own formula at ang ilang technique na tinuro ni Sir para mabilis kong masagutan ang mga ganoong questions. After 40 seconds, I got the answer. Pinindot ko yung buzzer at sinabi ang exact answer.

"The two digit number is 82."

"That is corre--"

Naputol yung sasabihin nung host ng may sumigaw sa audience.

"WHOO!! SHASHA KO YAN!"

Napatingin naman sakin si Jess at yung host. Ngumiti lang ako sabay senyas ko kay Thunder na manahimik kundi bigti sya saken.

"Ehem. That is correct, 1 point for Ms. Briones."

Nagpalakpakan ang ilan sa audience kasama sila Sir, penny and Thunder. Pero yung ibang schoolmates ko mga nakacrossed arms. Ang bibiter ng mga yon.

Umabot ng mahigit 50 minutes yung laban namin ni Jess. 19 points scores nya at 23 points naman ako. Simula kasi nung nakascore ako kanina, pakiramdam ko nagkaadrenaline rush ako at hyper na hyper ako sumagot ng mga questions. Si Thunder cheer ng cheer sakin bawat tamang sagot ko. Si Sir, pinapalakpakan ako at nakangiti sa akin.

Pagbaba ko ng stage sinalubong ako ni Thunder at inakbayan ako. Tinataas taas pa nya yung kamay ko na parang nanalo ako boxing. Loko loko talaga.

"Huy, kanina kapa sigaw ng sigaw!" Hampas ko sakanya.

"Nakikita mo yung Sir mo?" Titingin sana ako kay Sir ng pigilan nya ko.

"Wag ka pahalata Sha! Makakahalata yan sya pinaguusapan natin."

Bumalik kami sa upuan at pasimple kaming naguusap.

"Ano bang pakulo to Thunder?"

"Simula kanina nung nakita ng Sir mo na inakbayan kita nung nasa office nya tayo, I can see through his face na nagseselos sya sakin."

Bigla naman akong tumingin sakanya. Si Sir magseselos sakanya? At bakit naman?

"Sira ka talaga. Wag mo nga pagtripan si Sir. Yuji."

"Sha, seryoso ako. May naisip ako e, at ginawa na namin to sa tropa ko. Pinagselos namin sya ng pinagselos hanggang sa sya na mismo umamin dun sa babaeng gusto nya. Subok na to Sha!"

"O-kay, so ano ba talaga plano mo?"

"Sha, lalaki ako. At alam ko ang itsura ng lalaking nagseselos, yan si Sir mo? Konting dikit ko nga lang sayo sinasamaan na ko ng tingin eh. Pagselosin natin!"

Ang laki ng ngiti nya sakin at nagbbeautiful eyes na naman sya ng batukan ko sya.

"Aray! Sha naman e." Daing nya habang hawak hawak yung ulo nya.

"Ikaw, iba na tama ng ulo mo."

"Sha, trust me on this. Ako bahala dyan sa Sir mo, the next thing you know sya na mismo aamin sayo. Tiwala lang! Ano game?"

Tinitingnan ko sya at tingin ko din kay Sir, nakatingin nga siya samin. Kung papayag ako sa plano ni Thunder, wala naman sigurong mawawala.

"Fine, bahala kana."

"Yown!" Lumapit sya bigla sakin at pinisil yung mga pisngi ko habang magkadikit yung mga noo namin.

"What are you doing?" Tanong ko pa.

"First stage of Jealousy, denial."

Tiningnan ko si Sir sa likod at nakita ko syang nagwalk out. Whoa, seryoso? Nagseselos talaga sya?

---

My Professor, My Love.Where stories live. Discover now