CHAPTER 59

4.1K 107 4
                                    


"NO."

"Pero Science Camp yun, hindi na nga ako sumali last year kasi sa albay yung camp nila. Ngayon sa batangas nalang, please?"

"No. Ngayon mo lang sinabi sakin 'to tapos bukas na agad agad yung alis nyo? No. Hindi ka sasama."

Yan na ngang sinasabi ko hindi sya papayag. Pero gusto ko talaga sumama, batangas yun men!

"Nakapagsign up na ako, kaming tatlo nila Travis at Jess. Representatives kami ng class 48-15, I have to go ok?"

Nandito kami sa office nya at nakacrossed arms lang sya habang nageexplain ako. Kanina pa nga nya ko iniirapan para syang babae.

"I've already said no, Charlotte. Tsaka gubat yun, GUBAT. You know how dangerous it is for you to be out there. Kapakanan mo lang iniisip ko, makinig ka naman sakin."

Hindi e, school purposes to. Hindi naman ako lalandi dun para pagbawalan ako. Plus, maraming nakakatanda saming pupunta dun para masecure yung safety namin. It's totally safe.

"Nakapagpaalam na ako kila Mama at pinayagan nila ako kaagad. Ginagawa ko din 'to para sa grades ko ok? Kahit pagbawalan mo ako pupunta padin ako. So, it's either giving your approval for me to go or we fight about this hanggang sa pagbalik ko."

Kinuha ko na yung bag ko at lalabas na sana ng pinto ng magsalita sya.

"Diba't kaya ka pumunta dito e para hingin ang permiso ko? Ngayong sinabi kong ayaw ko hindi mo rin pala ako susundin. If you want to go, go. Sawa na kong pagbawalan ka na hindi mo rin naman sinusunod yung gusto ko."

Nakatalikod lang ako sakanya. Napailing nalang ako sa sinabi nya at lumabas ng office nya. School purposes, school purposes! hindi nya maintindihan.

Dirediretso ako sa pagbaba ng hagdan papunta sa covered court. Laban ng mga kaklase ko ng basketball, nandun nadin sila Travis at Jess panigurado. Pagdating ko dun ang ingay na sa loob, kanya kanya ng hawak ng banner yung mga nanonood. Nakita ko agad sila Travis sa bandang gitna kaya pumunta na agad ako dun. Pagakyat ko hindi ko naman napansin na kasama pala nila mga girlfriend nila, o edi sila ng sweet.

"Give me that!" Hinablot ko kay Travis yung hawak nyang Mr. Chips at sumubo agad ng marami.

"Whoa, badtrip? Hindi ka pinayagan no?" Tanong pa ni Travis pero hindi ako sumasagot. Kain lang ako ng kain.

"Hey Cha, kami ba susundo sayo ni Travis bukas?" Tanong pa ni Jess habang nakaakbay sya kay Irene. Si Irene nginingitian ako, hindi ko alam nakain nya pero bumait sya sakin these past few days.

"SCORE!!!" Nakashoot yung team namin kaya nagsitayuan lahat ng tao at sumigaw. Ako lang ata nanatiling nakaupo at kain ng kain ng Mr. Chips.

"Babe, stop! Hahaha!" Napatingin ako sa kabilang upuan at magjowa din pala yung nakaupo dun. Nagkikilitian at naglalandian.

Inikot ko pa yung mata ko sa lahat ng nanonood at nakita kong karamihan pala ng mga nandito e magcocouple. Ano 'to dating site?

"Baby, bili ka soda natin ubos nato oh." Narinig ko pang sabi ni Penny kay Travis. Nagkiss pa sila at nagyakapan bago umalis si Travis para bumili ng soda.

Ang sweet nila naiirita ako!

"Bibili nalang ng soda may halik at yakap pang kasama, pupunta kaba ng gera para mamaalam? Bumili kana ng soda dun nauuhaw na 'ko!" Pinaghiwalay ko silang dalawa gamit yung kamay ko. Natawa pa sila sakin at nagflying kiss pa si Travis kay Penny.

"Nakakaloka ang landi nyo, bumili kana dun!" Natatawang umalis si Travis at tinabihan naman ako ni Penny.

"Grabe ang ampalaya mo girl. LQ kayo no?"

"Tss. Hindi ako pinapayagan e. Tsaka seryoso Penny? Baby? Baby ang tawagan nyo? Ang landi!"

Tawa ng tawa sakin sila Jess, Penny at Irene dahil ang bitter bitter ko daw ngayon. Aynako, sa nagkukumpulan na mga magjowang nakikita ko sinong hindi magpapakabitter ngayong war kami ni Yuji.

"Charlotte, wag ka magalala. Magbabati din kayo nun, ikaw pa ba matitiis nun?" Sabat ni Jess.

Naririnig ni Irene yung usapan namin pero hindi nya alam kung sino pinaguusapan at kung sino ba yung boyfriend ko. Mas pinili na naming hindi sabihin sakanya dahil hindi ko pa sya pinagkakatiwalaan. Mamaya sakanya pa manggaling yung issue kung makakalat man yung tungkol sa relasyon namin ni Yuji.

Natapos yung game ng basketball panalo yung mga kaklase ko. Lamang lang sila ng 1point sa kalaban kaya balak magcelebrate ng mga kaklase namin. Go sila Travis at Jess dun syempre, kasama mga girlfriend nila dun. Ang kaso e iniisip ko padin si Yuji. Bukas na alis namin tapos nagaaway pa kami ngayon.

"Sha! Saan ka pupunta?" -Travis

"Hindi ka sasama sa celebration? Kila Ian yun!" -Jess

"Hindi na may pupuntahan pa kasi ako. Enjoy kayo, wag na kayong uminom maaga tayo bukas." Nagwawave ako sakanila habang patalikod akong naglalalad.

Nagnod naman sila kaya dumeretso na ko ulit paakyat sa office ni Yuji. Kailangan namin pagusapan yung tungkol kanina, 5days yung camping, 5days akong mawawala tapos ganun pa yung huling paguusap namin. Wala namang signal sa pupuntahan namin para makapagusap kami through phones. Nasa 5th floor na ako ng mapansin kong wala masyadong tao dito, napaisip tuloy ako baka wala si Yuji sa office nya.

Nasa harap na ako ng pinto ng office nya ng may marinig ako mula sa loob.

"You said you needed space kaya lumayo ako noon! Ngayong binigyan na kita ng time para makapagisip isip ka dahil alam kong sa loob loob mo mahal mo parin ako, sasabihin mong hindi na pwede? Please bumalik kana sakin. Ibalik na natin yung dating Maxine at Yuji noon."

Naudlot yung kamay kong kakatok na sana sa pinto ng dahil sa mga narinig ko. Nasa loob si Maxine, nandito ulit sya.

"Huling nagpunta ka dito I told you to go. Sinabi ko na sayo na walang tayo. You've just assumed na may relasyon tayong dalawa at ipinagkalat mo yun sa mga kaibigan mo. Oo sinabi ko noon na gusto kita not until I've heard na may boyfriend kana. Kaya nga lumayo rin ako sayo hindi ba?"

So, naging sila ni Maxine? O hindi? o baka M.U sila? Malanding ugnayan.

"Yun na ngang mali sayo, lumayo ka hindi ka nagpakita ng hindi nalalaman ang totoo."

Ang anong totoo?

"Max, please leave. Umalis kana, ayokong may ibang makakita sayo dito lalo na si--"

"Sino? Yung malandi mong estudyante?! Ano may relasyon na talaga kayo?! Sa tingin mo anong gagawin ng school board pag nalaman nilang may relasyon kayong dalawa? HA?!"

"Mind your own business goddamn it Maxine!"

Halos mapatalon ako ng marinig kong sumigaw si Yuji. Galit sya, sobrang galit sya.

"Hindi ko alam na ganyan ka Yuji, sa totoo lang hindi naman kita hahabulin ng ganito kung wala akong rason."

Narinig ko pang papalapit na sa pinto yung boses nya kaya nagtago na agad ako ng buksan nya yung pinto at magsalita ulit.

"I'm pregnant Yuji. Ikaw ang ama ng dinadala ko."

Hindi na sinarado ni Maxine yung pinto at tuluyan na syang umalis. Narinig ko naman may nagkalaglagang gamit sa office ni Yuji, nagwawala sya sa loob. Halos hindi naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Mas malinaw pa sa tubig yung narinig ko mula sakanya. Buntis sya, at si Yuji ang ama ng batang dinadala nya.

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon