CHAPTER 70

4.3K 117 4
                                    


YUJI's POV

"Sir, inooperahan na ngayon yung pasyente. Sa dami ng damages sa katawan nya ay marahil tumagal ang pagoopera sakanya ng mahigit anim na oras. Kung gusto nyo ay umuwi muna kayo para makapagpalit kayo ng damit at magdala ng ilang gamit nya." Sabi nung nurse na nilapitan ako.

She keeps talking about me leaving Charlotte. No, aantayin kong matapos yung pagoopera sakanya, what if I left and they called her time of death? I want to be here when it happens.

"Sir, puno po ng dugo yung polo nyo, magpalit na muna kayo at maaari nyo naring tawagan yung mga magulang ng pasyente."

Oo ngapala, yung mga magulang ni Charlotte. Wala pa silang alam sa nangyari sa anak nila, ang alam lang nila nasa Science camp pa sya.

"Would you do me favor? I wrote down my cell number into her chart, please call me right away if something happened to her. I'm just going to her parents and tell them what happened to their daughter."

"Absolutely Sir." She nod.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa bench at halos tulala akong naglalakad palabas ng hospital. It killed me leaving her here but her parent must know what happened to her. Lahat ng tao tinitingnan ako, siguro dahil sa polong suot suot ko na puno ng dugo ni Charlotte. Pati mga kamay at braso ko may mga marka ng dugo nya na natuyo nalang. Hinding hindi ko mapapatawad yung sarili ko pag may nangyaring masama sakanya. Mas gugustuhin ko pang sumunod nalang sakanya pag nawala sya.

Palabas na ako sa exit door ng hospital ng makita ko yung Avery na tumatakbo papasok sa pinto.

"Kamusta sya? Anong lagay nya? Nasaan sya?" Tanong nya agad sakin ng makita nya 'kong palabas ng pinto.

"They're operating on her right now." Maikling sagot ko.

I still don't know what the hell happened on why she fell down there and he is not there with her. Bakit sya tumakbo papunta kay Charlotte noon imbes na magkasama silang naglalakad. Bakit nya iniwan si Charlotte na nagiisa, bakit wala sya dun ng mahulog si Charlotte sa bangin na yun.

"Follow me." Gusto kong magusap kami ng masinsinan, gusto ko malaman lahat ng detalye, gusto kong sa labas kami magusap in case na kailanganin ko syang sugudin at bugbugin sa mga sasabihin nya.

Hindi na sya nagdalawang isip na sumagot pa at sinundan nalang nya ako pababa sa parking lot. Malapit sa sasakyan ko, huminto ako sa paglalakad at humarap sakanya.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"Kasalanan ko kung bakit sya nahulog sa bangin, hinahabol nya ako dahil tinatakbuhan ko sya. Akala ko nasa likod ko pa sya, pero kalaunan nawala sya. Bigla ko nalang narinig yung sigaw nya kaya napatakbo ako papunta sakanya. Kasalanan ko lahat, kung hindi ko lang siguro inuna yung pagtatampo ko hindi mangyayari sakanya 'to."

"Pagtatampo?" Naninigas na yung kamao ko. Nangyari lahat kay Charlotte 'to ng dahil sa pagtatampo nya?!

"Naglalaro kami ng knock knock jokes nun, tapos nagsimula nalang syang asarin ako. Alam ko napakaliit na bagay nun, hindi ko talaga sinasadya na may mangyaring masama sakanya. Handa akong magpaliwanag sa mga magulang nya kung kinakailangan." Matapos nyang magsalita, kumalma yung sarili ko sa mga sinabi nya.

Siguro nga galit lang ako ngayon kaya naghahanap ako ng masisisi sa nangyari kay Charlotte.

"San ka pupunta?"

"Pupuntahan ko mga magulang nya para sabihin yung nangyari sa anak nila." Binuksan ko yung pinto ng sasakyan.

"Sasama ako. Gusto kong ako ang magpaliwanag sakanila." He insisted.

Hindi ko na sya pinigilan tutal magandang hangarin naman ang dahilan nya para sumama. Ang totoo papasamahin ko naman talaga sya sakin para sya ang magpaliwanag kila Tita ng maayos dahil wala naman ako ng mangyari yun, pero kailangan ko rin humarap sa mga magulang nya para sabihing hindi naman mangyayari 'to kay Charlotte kung hindi nya ako nakita sa gubat at hinabol kung kaya't naligaw sila.

---

Malayo layo ang byahe pabalik ng Maynila galing Batangas. Sa Batangas Memorial Hospital na kasi dinala si Charlotte ng ambulansya dahil hindi kakayanin ng kalagayan nya yung malayong byahe at kinailangan nya ng agarang gamutan. Tahimik lang akong nagmamaneho, si Avery tahimik lang din na nakaupo ng magsalita sya.

"Ikaw si Yuji hindi ba?"

"Oo, I'm her Professor." Sagot ko.

"Professor at boyfriend nya." Sagot nya na ikinahinto ko naman bigla ng sasakyan. Sinabi ni Charlotte sakanya ang tungkol samin?

"How did y--"

"Sinabi nya sakin lahat." Umiling nalang ako at pinaandar ulit yung sasakyan.

"Paanong lahat?" Tanong ko.

"Lahat, yung professor nya ang boyfriend nya. Yung dahilan kung bakit nya ginustong sumama ng Science camp at yung pamomorblema nya patungkol sa anak mo sa ibang babae." Hindi ko mapigilang hindi magalit sa tono ng pananalita nya.

Una, saming dalawa lang yun ni Charlotte. Pangalawa, he's nobody para makisali sa problema ng relasyon naming dalawa.

"We haven't talked about it yet. And I rather not talk about it with you." Sinusubukan kong pakalmahin yung sarili ko, at hindi paunahin yung galit ko. Bigay respeto narin sa nangyari kay Charlotte.

"Hindi ko gustong mangialam pero sa lungkot ng mukha nya habang kinukwento yung tungkol sa inyong dalawa, hindi mo ako masisisi na kausapin ka bilang lalaki sa sitwasyon mo. Magkasing edad lang tayo at hindi ako magPo'po sayo. Si Charlotte ang pinaguusapan natin dito kaya ang gusto ko ay ang makinig ka. Hindi ikaw yung nandun sa tabi nya habang nakikinig sa mga hinaing nya tungkol sa relasyon nyong dalawa, kundi ako."

Hindi ko alam kung makikinig ako sa mga sinasabi nya o suntukin nalang sya ngayon para manahimik sya sa kakakuda nya. Ang ayoko sa lahat, yung mga taong nangingialam sa problema ng iba.

"She's drowning, hindi nya alam kung paano nya aayusin yung problema nyo. Hindi nya alam gagawin nya, ni hindi na nga nya gustong umuwi nun at manatili nalang sa gubat para hindi na nya kaharapin yung problema nyo. Ang gusto kong iparating sayo ay kung plano ka man, isama mo sya sa mga plano mo. Hindi nya deserve masaktan ng ganito, he needs a man who will protect her no matter what situation is. At sa sitwasyon nyo, sya lang yung nasasaktan."

That was his last words. Hindi na sya nagsalita matapos nyang sabihin lahat yun. Inisip ko lahat ng sinabi nya, of course sa lahat ng plano ko kasama si Charlotte sa lahat ng yun. Hinding hindi ko sya iiwan, pero hindi ko rin pwedeng iwan yung magiging parte ng buhay ko. All I wish is for her to understand and her acceptance.

--

Gabi na ng makarating kami sa bahay nila Charlotte. Humarap kaming dalawa sa mga magulang nya at sinabi lahat ng nangyari. Walang sisihang nangyari at inamin namin pareho ang pagkakamali namin. Hindi sila makapaniwala sa nangyari kay Charlotte. Agad silang nagimpake at hinanda lahat ng dadalhin nila papunta sa hospital. I insisted na ako nang maghahatid sakanila sa hospital, tumulong naman si Avery sa paglalagay ng mga gamit nila sa likod ng sasakyan. That night umalis din kami pabalik ng Batangas, anim na oras narin ang nakalipas at malamang ay tapos na ang pagoopera sakanya.

11pm kami nakabalik ng hospital, nasa recovery room na si Charlotte sabi ng mga doctor. Malaki ang tama ng ulo nya kaya maaring may ilang deficit paggising nya tulad ng pagkawala ng memorya nya. Ikinakabahala pa ng mga doctor kung magigising pa ba sya matapos ang pagoopera sakanya. Nakasemento nadin daw ang mga paa at braso nya, sa ngayon pinagbabawalan pa kaming makita sya. Kaya sa waiting room lang kaming lahat nagpalipas ng gabi at inantay ang umaga para sa paggising nya.

Nagpaalam si Raven sa mga magulang nya na may pupuntahan lang sya. I doubted him, alam kong nagaalala sya para sa ate nya. I followed him and to my surprise, nakita ko syang pumasok sa mini chapel ng hospital. Nakita ko syang lumuhod at nagdasal doon, I even saw him wiping his tears away. Alam kong natatakot din syang mawalan ng ate na palaging nyang kaaway sa loob ng bahay nila, I just hope na magising si Charlotte dahil maraming taong nagaantay sa pagmulat ng mga mata nya.

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon