CHAPTER 20

5.5K 152 6
                                    


*KRING!*

*KRING!*

Nagising agad ako sa alarm ng phone ko at pinatay yun. Grabe ang sakit ng katawan ko, parang ayoko pumasok kaso last day na ng review namin ni Sir ngayon.

"Karlota, punta dito mga kaklase ko mamaya pwede namin lutuin yung nasa ref?"

Nakadungaw si Raven sa pintuan ko, tinaas ko nalang yung kamay ko at nagthumbs up sakanya. Ang sama ng pakiramdam ko para hindi sya payagan at makipagsigawan sakanya ngayon.

"Salamat!" Pabalik na sana sya ng kwarto nya ng pigilan ko sya.

"Wait."

"Ano? Pumayag kana wala ng bawian!"

Loko talaga, may sinabi ba kong babawiin ko?

"Kuha mo ko gamot sa baba, sama ng pakiramdam ko e."

Agad syang pumasok sa kwarto ko at sumampa sya sa higaan ko, hinawakan nya yung noo ko at tumayo agad sya.

"Nilalagnat ka ang init mo wag kana pumasok."

Aw, concern si baby brother sakin.

"Di pwede, dali na ikuha mo na ko gamot dun."

"Pag may nangyari sayo wala ako dun sige ka, walang magaasikaso sayo."

See? Sweet din yan si Raven, minsan.

"Walang mangyayari sakin dun OA mo, bilisan mo na dali!" Sinipa ko pa ng mahina yung pwet nya para bilisan nya.

Bumaba naman sya agad at dinalahan ako ng gamot. Naligo agad ako at nagbihis ng pamasok kahit ang sama ng pakiramdam ko. Hindi na kami nakapagreview ni Sir kahapon, kailangan ko umattend ngayon.

Pagdating ko sa campus lahat ng tao nagtitinginan sakin at magbubulungan sila. Yung iba pa nga lumalayo sakin pag nadadaanan ako. Anong meron?

Pumasok ako sa building at umakyat papunta sa hagdan ng may nakita akong madaming nagkalat na posters na nakadikit sa pader. Nilapitan ko yun at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

It was a picture of Sir. Yuji kissing my forehead last night. Tiningnan ko pa yung isang poster at picture naman yun na pinatong sakin ni Sir yung jacket nya kagabi. Halo halo yung mga pictures, yung iba paulit ulit, pinagtatanggal ko lahat yun hanggang sa lahat ng makakaya ko. Hanggang sa paakyat ng 5th floor ang daming nakadikit sa pader na puro picture namin ni Sir. Pati nga yung pinayungan ako ni Sir nung nagpapaulan ako meron din at yung sumakay ako sa kotse nya.

May nakasulat pa sa pictures na 'Loveteam of the year! Charlotte Briones and Mr. Yuji Salvatore caught on camera!' Halos mawalan ng lakas yung mga tuhod ko, dagdag pa ng sama ng pakiramdam ko pakiramdam ko tutumba na ko pero pinipilit ko paring tumayo at tanggalin lahat ng posters na nagkalat sa pader ng campus.

May mga nagsidaanang mga estudyante sakin na babae at rinig na rinig ko yung bulungan nila.

Girl#1: Sya yun diba?
Girl#2: Mygod pati prof pinapatulan.
Girl#3: Sipsip. Bitch
Girl#4: Baka kamo kapit patalim para makapasa (Laughs)
Girl#5: Sabi pa ng iba palagi syang nasa office ni Sir.
Girl#6: Baka dun nangyayari yung hindi pa natin nakikita diba
Girl#7: Kadiri ka girl mahiya ka naman.

Nakatalikod ako sakanila at hindi ko mapigilan yung mga luhang nagbabadya sa mga mata ko. Ang sakit ng mga sinasabi nila kahit hindi naman nila alam yung tunay na kwento sa mga pictures na yun.

May mga napadaang ding mga lalaking estudyante at nagtatawanan sila sakin. Puro sila bulungan na "Sya yun diba?" ,"Sya yung syota ni Sir?"

Ang sarap sabihin na hindi, hindi ako "syota" ni Sir. Wala kayong alam! Pero ng dahil sa kahihiyan hindi ko sila kayang harapin.

"Char." Nakita ko si Penny na papalapit sakin kaso parang nagdadalawang isip sya dahil pinagtitinginan ako ng lahat. Naiintindihan ko kung ayaw nya kong lapitan ngayon, madadamay lang sya issue ko kung malalaman nilang kaibigan ko pa sya. Iniling ko yung ulo ko na wag nya kong lapitan.

Hindi ko na kinaya yung sama ng loob na nararamdaman ko kaya binitawan ko lahat ng posters na hawak ko at tumakbo papunta sa office ni Sir. Kailangan nyang ayusin to, sya ang mas may kapangyarihan samin na sundin ng mga estudyante at hindi ako. Estudyante lang din ako, hindi ko sila kaya kung pagtutulungan ako ng lahat dito.

May mga tumutulong luha sakin habang tumatakbo ako paakyat ng hagdan. Kahit ilang proffessor na nadadaanan ko hinahabol ako ng tingin. Sobrang nahihiya ako para sa sarili ko, hindi ko alam kung sino lalapitan ko ngayon kundi si Sir para ayusin nya tong issue nato. Nakarating ako sa office nya ng hinihingal at may ilang luhang tumutulo sakin pero pinunasan ko yun bago buksan yung pinto at nakita ko sya.

Nakita ko syang may kahalikan na babae, he's touching her back while enjoying kissing her. Pero nakuha ko atensyon nila ng buksan ko yung pinto at lumingon sakin yung babae. Hindi na ko nagulat ng makita ko sya ulit, simula palang naman na malaman ko pangalan nya kinutuban na kong sya si Maxine diba? Tapos ngayon nandito na sya sa loob ng office ni Sir at naghahalikan pa sila. Doble yung sakit na nararamdaman ko, emotionally and physically dahil sa sama rin ng pakiramdam ko.

"Ms. Briones." Sambit pa ni Sir ng pangalan ko pero ang sakit. Kahit hindi kami, I felt like I was cheated on.

Gusto ko sabihin sakanya yung kumakalat na issue sa baba pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

"O my god." Sabi pa nung babae habang papalapit sakin, tinitingnan nya ko mula ulo hanggang paa.

"Estudyante kalang pala dito tapos kung tarayan mo ko sa mall akala mo kung sino kang tatapat sa lebel ko?"

Hindi ko sya pinapansin, nakatingin lang ako kay Sir kung ano reaksyon nya sa mga narinig nya na nagkita na kami ni Maxine sa mall. Halatang nagulat sya dahil kilala ako ng girlfriend nya pero wala syang ginagawa.

"Max, stop it what are you talking about? Ms. Briones what's wrong?"

Puro sya tanong, hindi ko naman kinaiinisan yung pagtatanong nya dati pero yung pagtatanong nya sakin ngayon parang nakakainsulto.

"N-nevermind Sir."

Tiningnan ko pa ng isang beses si Maxine na nakapamewang na ngayon sakin pero wala akong pakialam sakanya. Sa bigat ng nararamdaman ko ngayon baka dunggulin ko pa sya.

"Charlotte wait!" Habol pa ni Sir pero umalis na ko sa office nya.

Takbo ako ng takbo pababa ng hagdan habang namumugto na yung mga mata ko sa kakaiyak. Ayoko na, ayoko na dito. Ayoko muna silang makita, ayoko na munang magpakita sa kahit na sino man.

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon