CHAPTER 73

4K 103 0
                                    

Paggising ko kinabukasan, nakadilat lang ako habang nakahiga sa kama ko. Tinititigan ko si Clover na nasa tabi ko at mahimbing na natutulog. She's not that close near me dahil bawal ko malanghap yung balahibo nya, mamaya atakihin ako ng hika ng di oras. Hinahawak hawakan ko lang yung paw nya habang natutulog sya. Monday ngayon, ganitong oras din ako magpeprepare pero hindi pa ako makapasok ngayon. Nakasemento padin kasi yung kaliwang paa at kamay ko. I can't even stand kahit ilang segundo lang, matutumba ako.

*Door opens*

Napalingon ako sa pinto ko ng marinig ko yung bumukas. Si Papa pala.

"Good morning anak." Ang laki ng ngiti sakin ni Papa, sobrang nakakagaan ng loob ang makita syang nakangiti sa akin ng ganun.

Umayos ako agad at umupo sa kama.

"Morning Pa." Niyakap ako agad ni Papa at umupo sya sa kama ko.

"Gising kana pala, dapat ni'ring mo yung bell mo para binuhat kita sa baba para makapanood kanang tv."

Yes, may bell ako sa tabi ng kama ko. Para pag kailangan ko magcr or may papaabot ako, or just inshort pag may kailangan ako iriring ko yun at agad na aakyat si Mama o Papa para ibigay yung kailangan ko. Hindi nga kasi ako makatayo para gawin yun sa sarili ko.

"Ayoko naman pong bumaba Pa. Ok lang po ako dito sa kwarto." Sagot ko.

Bigla namang hinawakan ni Papa yung kamay ko.

"Pinagalala mo kami ng Mama at kapatid mo. Akala namin hindi kana talaga magigising, salamat sa panginoon at dininig nya ang mga dasal namin."

Nakita kong nagluluha yung mata ni Papa. Matanda na si Papa, kaya parang nawawasak naman yung puso ko na nakikita syang umiiyak.

"Paaa, wag kayong umiyak. Masamang damo ako, hindi ako ganun kaagad mamamatay." Natawa naman si Papa sa sinabi ko.

"May problema ba kayo ni Yuji?" Nagtaka naman ako kung bakit naitanong ni Papa yun.

"Wala Pa, bakit nyo naitanong?"

"Narinig kitang sumigaw kagabi, papasukin ko nga dapat 'tong kwarto mo kagabi pero mas pinili kong bigyan kayo ng oras para makapagusap ng masinsinan."

Sumigaw ba 'ko kagabi? Hindi ko matandaan.

"Ayos lang po kami Pa, wala po kaming pinagaawayan nun."

"Sigurado kaba? Dahil kung may problema ka man, wag mong kakalimutan na nandito si Papa na handang makinig sa mga problema mo kung ayaw mong magkwento sa Mama mo dahil mabunganga yun."

Natawa naman ako bigla hahaha si Papa talaga, atleast never nyang iniwan si Mama kahit ganun yun.

"Ang totoo po Pa.." Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko yung tungkol sa anak ni Yuji.

"Ano yun anak? Sabihin mo kay Papa wag kang mahihiya."

Actually Pa, hindi ako nahihiyang sabihin. Ang iniisip ko lang baka ilabas nyo yung baril nyo at sugudin nyo Yuji once na pumunta yun dito. Sundalo pa naman kayo dati.

"Um, nagugutom po ako Pa! Hindi pa kasi ako naguumagahan." Yep, di ko nalang sasabihin. Kaya ko naman sarilihin yung problema namin eh.

"Hahaha, akala ko naman tungkol kay Yuji yung sasabihin mo anak. Akala ko niloloko ka nun, mabalitaan ko lang talaga ipagtatanggol ka ni Papa hahaha." Hinawakan ni Papa yung buhok ko at tumatawa syang lumapit sa pinto.

"Papaluto ko sa Mama mo yung paborito mo para makakain kanang marami." Sabay sarado nya ng pinto.

HAYY, sana nga niloko nalang ako ni Yuji para mas madaling ayusin. Kaso hindi eh, bata 'tong pinaguusapan namin. Anak nya, there's no other way to talk about kung kapakanan na ng isang tao ang pinaguusapan.

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon