CHAPTER 72

4.3K 111 3
                                    

Charlotte's POV

Kinabukasan, si Yuji nagayos lahat ng medical papers at nagarrange ng discharge papers ko sa hospital. Hindi na ko pumayag na ilipat sa ibang hospital dahil mas gusto kong umuwi na lang. May mga kinailangan pa kong ipasang test bago ako pinayagan ng mga doctor na umuwi. They gave me advices on how and when to take my medicines, ganun din sa mga magulang 'ko.

"Sugurado kabang kaya mo na anak?" Tanong ni Mama.

"Opo Ma, kaya ko na. Isang linggo akong tulog dito, gusto ko sa kwarto ko nalang ako." Hinalikan naman ako ni Mama sa noo ko tsaka dumating si Raven at Yuji na may dalang wheelchair.

"Bakit may ganyan pa?" Tanong ko. Nakakalakad naman ako, may saklay naman ako eh.

"Nakasemento yang kaliwang kamay at paa mo. Sa tingin mo makakapaglakad ka ng maayos? Baka nga hindi ka makaabot sa exit palang ng hospital eh. " Nagtawanan naman silang lahat sa sinabi ni Raven. Tss.

Nasa kwarto ko lahat sila Mama, Papa, Travis, Jess, Avery at syempre sila Raven at Yuji. Lahat sila nakangiti, mukhang pinagalala ko silang lahat nung naaksidente ako. Tinulungan akong tumayo nila Travis at Jess para lumipat sa wheelchair. Tama si Raven, isang paa at kamay lang naigagalaw ko, paano ko naman din magagamit yung saklay kung hindi pa balanse yung katawan ko.

"Ready?" Tanong pa ni Avery

"Let's go! Uwi na tayo! Yiee!" Sinubukan ko pang pumalakpak, nakasemento nga pala isang kamay ko. Aww, I want to clap. Pfft.

Si Yuji nagtutulak ng wheelchair ko habang nasa kaliwa ko naman sila Travis at Jess, at nasa kanan ko naman sila Avery at Raven. Halos lahat ng nurses, interns, pati mga pasyente sa hospital nagtinginan sa mga kasama ko. Yung iba halatang kinikilig.

Nurse #1: Ang cute nung nakajacket no? (Which is si Travis yun)
Nurse #2: Akin yung may hikaw sa kaliwang tenga. (That's Jess)
Intern #1: Yung pangalawang matangkad sakanila, ang firm ng katawan oh. (That's Avery)
Intern #2: Ang gwapo nung nagtutulak dun sa wheelchair! Single kaya yun?

Mga talande! Boyfriend ko yang nagtutulak ng wheelchair ko! At for your information, taken sya! TAKEN! Nakakaloka.

Nurse 3: Hula ko yung nakastripe na polo sakanila, yung pinakabata. Nakasabay ko yan sa cafeteria kanina! Ang bango nya.

Aba't. Si Ateng kaloka, ang tanda na trip pa si Raven. Child abuse!

Paglabas namin ng hospital, sabay sabay na nagtawanan sila Travis, Jess, Avery, at Raven.

"Ang cute ko daw! Hahaha."--Travis

"Type ako nung isang nurse ba. Haha!" --Jess

"Ang macho ko daw hahaha!" --Avery

"Matanda yung may type sakin amputek." --Raven

Natawa naman kaming lahat kay Raven. Nauuna silang maglakad at nasa likod naman ng wheelchair ko sila Mama at Papa na pagkaholding hands. Sweet ng parents ko no? Tumingala naman ako kay Yuji.

"Mm, anong tingin na naman yan?" Tanong nya.

"Gwapo ka daw. Tinatanong nila kung single kaba daw."

*I pouted*

"Haha, hindi ko nga sila pinansin. Gusto mo bang balikan ko sila at ipagsigawan na taken ako at ikaw ang girlfriend ko?" Nagblush naman ako bigla sa sinabi nya.

"E-eh? W-wag na nu. Kahiya." Natawa naman sya lalo at yumuko sya ng konti para halikan yung noo ko.

Sumakay kaming lahat sa sasakyan ni Yuji, sya pa nga nagbuhat sakin mula sa wheelchair pasakay sa kotse. It took almost 3-4 hours yung byahe pauwi ng Manila. Sila Mama at Papa nakatulog na, si Jess at Travis magkayakap habang magkatabing natutulog sa gilid ko. Kinumutan ko pa nga sila. Si Raven ganun din, tulog silang lahat sa byahe samantalang si Avery bumaba na kanina dahil malapit nadin yung bahay nila sa dinaanan namin kanina. Kami nalang talaga gising ni Yuji, syempre sya kasi yung nagmamaneho. Palagi nya kong tinitingnan sa salamin tapos ngingitian. Kahit hanggang ngayon na boyfriend ko na sya, kilig na kilig padin ako pag nginingitian nya ako. Hanggang ngayon crush ko padin ang boyfriend ko.

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon