CHAPTER 17

5.3K 149 2
                                    


Last 2 days of review, Mathletes Month na. Sa totoo lang hindi ako kinakabahan, naeexcite pa nga ko dahil gustong gusto ko ng makalaban si Jess. It's been 1week na hindi ko sya pinapansin, bahala sya dyan. Mamimili nalang ng ipagtatanggol yung babaeng pang yun, hala sige dun sya.

"Hi Charlotte, goodluck sa Mathletes!" Bati sakin nung mga nadadaanan kong kakilala ko.

"Thankyou." Sabay ngiti ko sakanila.

Papunta ako ngayon sa office ni Sir dala yung mga pinasagutan nya sakin. Marami rami din 'to kaya inabot ako ng dalawang araw sa pagsasagot. Yeah, 2 days ng nakalipas ng binigay sakin ni Sir yung necklace, hanggang ngayon syempre suot suot ko parin at wala kong balak na tanggalin to. Ever.

*Knock.Knock.*

"Sir. Yuji?" Tawag ko pa pero walang sumasagot.

*Knock.Knock.*

"Sir. Yuji?" Ano yun walang tao? Ganitong oras hindi umaalis ng office yun.

Sinubukan kong iikot yung doorknob at asual, bukas ito. Pagdungaw ko nandun sya, nakatungo sa desk nya at tahimik na natutulog.

Omo. Tulog si Sir, Karlota! Manyakin mo dali! Ikaw naman manghalik bilis pasok!

Yan ang takbo ng mapagsamantala kong isipan but NO. Mabait ako, hindi ako ganyan. Sinarado ko yung pinto pero binuksan ko ulit at dahan dahan akong pumasok sa loob.

Sayang opportunity, minsan lang mahuli kong tulog si Sir. As I said before pag may opportunity girls, DON'T HESITATE TO GRAB IT. Charot.

Paisa isang hakbang ako kung lumapit kay Sir. Ang tahimik nya matulog, hindi sya humihilik, good dahil ayokong maingay matulog ang magiging asawa ko. Step by step, natatanaw ko na yung mukha nya. Ang gwapooo, manyakin ko na? Wag lapit ka muna ng konti Karlota. Sigi sigi sigi.

Ilang hakbang pa e nasa harapan na ko ni Sir. White polo, necktie, black watch, maliliit na mata, matangos na ilong, maputi, at mapupulang labi. Juskolord ang ganda naman ng tanawin dito, pwede magstay? Haha!

Pinatong ko yung tatlong libro sa desk nya, at nagdadalawang isip kung hahalikan ko ba o ano dahil inches nalang pagitan ng mga mukha namin. Ang sarap nyang titigan habang natutulog, parang ang payapa ng mundo pag nandito lang ako at minimemorize ang pagkaperpekto ng mukha nya. Sir, ilang taon kana ba? Dahil kung ako ang tatanungin, mas mukha kapang bata sakin. Nakakainsecure yung balat mo oh!

(Groan)

Bigla syang gumalaw, tumigil yung paghinga ko saglit akala ko magigising na sya pero hindi naman. Gumalaw sya, lumipat yung mukha nya sa kabilang side. Ano ba yan Sir, ang likot mo naman. Ayaw mo ba magpahalik?

Umikot agad ako sa desk nya ng dahan dahan at nasa harapan ko na naman ang mukha nya. HAYY Sir, ang gwa--

"Max...Maxine..."

Bigla akong natigilan sa binulong nya. Nagsasalita sya habang tulog, Max? Maxine? Isang pangalan lang yun diba? Sino si Maxine?

Oh no, girlfriend nya? May girlfriend na sya?

Bigla akong napabuntong hininga. Nalungkot ako bigla, may girlfriend na pala sya. Naninigas yung mga kamao nya habang binibigkas yung pangalang 'Maxine'. Nakakaselos naman, sana pangalan ko nalang yung binibigkas nyo Sir. Maganda naman pangalan ko, Char...Charlotte. Oh diba maganda naman? O kaya, Kar...Karlota. Ang ganda sheyt.

Natigil yung balak ko, abort! abort! Hinawi ko nalang yung buhok ni Sir na nasa mukha na nya, mamaya mapuwing pa sya.

"Yaan nyo Sir, kaya ko naman maghintay e. Pag ako nakapagtapos na hahanapin ko kayo, at magpopropose kayo sakin okay? Kahit hindi engrande yung proposal nyo okay lang, basta sa harapan ko kayo luluhod at ako yung tinatanong nyo ng 'Will you marry me.

I pouted. Naisipan ko nalang umalis, maistorbo ko pa pagtulog nya. Nagsulat ako sa post it ng note para kay Sir na nanggaling ako dito para ibalik yung mga libro. Dinikit ko yun sa isang libro, may smiling face pa yung note ko. Gusto ko nga lagyan ng heart kaso wag na may Maxine na sya eh.

I stepped back outside and sighed. Mission failed Karlota. Magsisimula na sana akong maglakad ng makita ko si Ms. Lina.

"Hi, Ms. Briones right?" Tanong pa nya.

NO. IT'S CHARLOTTE FOR YOU. SI SIR LANG PWEDE TUMAWAG SAKIN NG MS. BRIONES.

Nagnod nalang ako sakanya, why is this bitch doing here? Pupuntahan nya si Sir sa loob? No no no. Natutulog ang prinsipe ko mamaya sya magtuloy ng balak ko kanina no!

"Nasa loob ba si Sir. Yuji?" I knew it!

"Ay, wala po Ms. Lina. Akala ko nga rin po nandito sya, papunta nga po akong cafeteria baka nandun po sya."

She pouted. May dala pa syang cake, ano 'to lalandiin na naman nya si Sir?

"Ay, ganun ba sayang naman. Anyway, sabay na tayo bumaba? Bigay natin to sa Sir mo birthday nya kasi."

Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya. BIRTHDAY NI SIR TODAY?!

"Um, pabalik na po kasi ako sa room Maam eh."

"Ganun ba sige, iwan ko nalang to sa office nya." Akamang papasok sya sa loob ng pigilan ko sya.

"Wag! Este wag po Maam, ayaw na ayaw po kasi ni Sir na may nagiiwan ng pagkain sa office nya. Hate na HATE nya po yun promise."

"Talaga? Buti naman pala pinaalakahanan mo ko. Sige, I'll go ahead then"

Nginitian pa nya ko bago sya umalis. Kailangan ko pa atang bantayan tong pinto ni Sir para walang makapasok ah? Kaso birthday nya!

Nagsulat ako ulit sa post it at dinikit yun sa pinto ni Sir.

"DO NOT DISTURB!"

Sabay takbo ko pababa, kailangan ko bilhan ng gift si Sir!

----

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon