CHAPTER 22

5K 165 4
                                    


First day, unang araw na papasok ako ulit after 2 weeks of hiding. Tama si Thunder, pinagmumukha ko lang kawawa sarili ko sa ginagawa kong pagtatago sakanila. Why hide if you know to yourself that you are innocent?

"Hiding stops today, Charlotte." Huling sabit ko pa bago lumabas ng bahay.

I'm not scared anymore. Stop being a coward and just go.

--

Pagdating ko sa campus lahat sila pinagtitinginan ako. Mga nagbubulungan, nagkakalabitan sabay turo sakin. Inirapan ko lang sila, bahala kayo dyan. 2 weeks ng nakakalipas hindi parin kayo makamove on? Kaya kayo nasasaktan eh.

Dire diretso akong pumasok sa building at nandun parin ang ilang posters sa bulletin board. Wala ng mga nakadikit sa pader but still, naalala ko padin yung dami at itsura ng lugar nato nung huling pasok ko dito. Naglalakad ako papunta sa locker ko at hindi nako nagtaka ng makita ko yun na puno ng hate mails at puro wet paint saying 'Slut', 'Bitch', 'Hore.'

Seriously? Sasabihan nalang ako ng 'Whore' wrong spelling pa? Sino nagsulat nito tuturuan ko sya ng tamang spelling! Nakakaloka.

Binuksan ko yung locker ko at kinuha yung mga libro at sinarado yun ng makita ko si Irene kasama ang mga kikay powerpuff girls nya. (Sorry, di ko alam tawag sa grupo nila)

"Aww, look who's back." Nginingitian pa nya ko ng nakakaloko at nagsitawanan yung mga kampon nya ng kadiliman.

"Yeah, It's Charlotte and I am back. Nasaan ang bandaritas? Nasaan ang red carpet at confetti? Ngayon na nga lang ako bumalik hindi kapa nakapagready?" Nginitian ko din sya at inaantay yung sagot nya pero wala. Naglalog ata.

"I'm sorry may sasabihin kapa ba? Kasi late na 'ko aantayin pa ba kita?" Hindi na sya nagsasalita kaya dinaanan ko nalang sya ng magsalita naman sya.

Tingnan mo tong babaeng to, kung kailan paalis na ko tsaka nakaisip ng ipanglalaban saken.

"Kapal din ng mukha mo bumalik no? Alam mo bang pinandidirian kanang mga tao ngayon dito?"

Wow. Ganun kalakas yung virus ko at lahat ng tao pinandidirian ako?

"Makapal talaga mukha ko, pero kahit sa kinapal kapal neto, mas makapal padin yang make up mo pero walang paring ipinagbago."

Akmang sasagot sakin yung isang babae na kagrupo nila ng unahan ko sya.

"Ano makikisabat ka? Mukha kang isda manahimik ka!"

There, I lost my cool. Nakataas na mga kilay ko at nakikisabay narin yung boses ko. Mabait na ko, ayoko ng ibalik yung dating ako pero kung ipupush ako ng mga malalanding to, sasampolan ko sila. I am SO done being nice to them.

Napaatras sakin yung babaeng lalapitan dapat ako. Mukha talaga syang isda pasensya na.

"How dare you call---" Sumagot din si Irene pero hindi ko rin sya pinatapos.

"Na ano? Na mukha syang isda? I'm sorry am I stating the obvious?"

Napanganga sakin yung mga kagrupo nya sa sinabi ko. Damn, I'm enjoying this.

"Ms. Briones."

*Dub.dub.dub.dub*

AND THE DEVIL DARED TO SPEAK AGAIN.

Umikot ako sa likod ko para humarap sakanya at there he is. Walang ipinagbago ganun padin, but one thing caught my attention. Suot suot nya ang polong niregalo ko sakanya at ang necktie nito.

"Yes, Sir. Yuji?" Walang akong pinapakitang expression sakanya. Starting today, I'm just his normal student na wala ng gusto sakanya.

Lumapit sya sakin at hinawakan na naman ang mga kamay ko na ikinagulat naman ng mga powerpuff girls. Talaga naman Sir, nagkaissue na tayo lahat lahat tinatrato mo parin ako ng tulad ng dati at sa harap pa ng mga kapwa ko estudyante? Wala ka talagang pakialam sa iisipin nila saken no?

Nagpumiglas ako sakanya na ikinagulat naman nya.

"I don't have time for this. May klase pa 'ko, kung may sasabihin kayo dito nyo na sabihin dahil baka kung ano na naman isipin ng mga minions nato." Turo ko pa sa grupo nila Irene.

They were shocked when I called them minions. They just glared at me pero wala silang nagawa sakin.

Nagulat din si Sir sa inasal ko pero wala na kong pakialam. Totoo naman e may klase pa ko at wala kong oras para pakinggan kung ano man yung sasabihin nya, I've seen enough.

Nagaantay ako ng isasagot ni Sir pero wala syang imik.

"See you in your class Sir."

Sabay talikod ko. Medyo may kirot para sakin na ginaganito ko nalang sya ngayon pero wala akong choice, kailangan ko syang balewalain para malinis ang pangalan ko sa eskwelahang 'to.

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon