CHAPTER 54

4.8K 141 1
                                    


Dismissal, 8pm natapos ang araw na puro questioners ang nakikita ko. Grabe, antok na antok na ko at gusto ko ng umuwi para matulog na agad.

"Uy Cha!"

Nakalabas na ako ng room ng tawagin ako ni Jess. Paglingon ko naman syang akbay nya sakin.

"Anong plano mo bukas?"

Matutulog. Matutulog ako buong araw.

"Papakasalan ko yung higaan ko, magpopropose na nga ako ngayon e." Natawa naman sya sa sinabi ko.

"Hahaha! Loko ka talaga, hindi yun. Ano wala kayong plano ni Sir. Yuji para bukas?"

"Malamang pagod din yun dahil naging examiner din sya sa ibang section. So wala, matutulog lang kami pareho buong araw."

Tinanggal naman nya yung pagkakaakbay sakin at nilagay yung mga kamay nya sa bulsa nya.

"Ang lungkot naman ng Valentines nyo."

Bigla akong napatigil sa paglalakad ng marinig ko sakanya yung word na Valentines.

"Oh, napatigil ka dyan? Akala ko ba uwing uwi kana?"

"V-valentines bukas?!" Nagsalubong yung mga kilay nya sa tanong ko saka sya lumapit sakin at inakbayan ako.

Minutes later, tinatawanan na nya ko.

"Hahaha! Grabeng pagrereview ginawa mo no? Pati araw ng mga puso nakalimutan mo."

Hala, oo nga no bakit hindi ko napansin na puro February 13 yung sinusulat kong date sa test paper ko tapos hindi ko man lang naisip na valentines bukas. Hindi ko alam ibibigay ko kay Yuji, hindi ako prepared! Hindi rin ako ready!

"Waaah! Bakit hindi ko naalala!" Tinatawanan lang ako ni Jess ng tumatakbong humabol samin si Travis.

"Madaya kayo iniwan nyo ko." Aniya.

"Bagal mo kase pumipick up line kapa kay Penny e alam mo namang baliw yun kay Sir. Hunt. Bakit kaya ang mga babae ngayon baliw na baliw sa mga Professor nila." Parinig pa ni Jess.

"Sige lang Jess, hindi kita naririnig." Taas ko pa ng kilay sakanya.

"Haha! Joke lang Cha, ito naman." Niyayakap naman nya 'ko. Ngayon yayakap yakapin nya ko? Bigwasan ko sya e.

"Anyways! Inaya ko ng date si Penny bukas and she said yes!" Ang laki ng ngiti ni Travis, nakakainis! ako lang ba talaga hindi nakatunog na Valentines bukas?

"Date ba talaga ang sinabi mo sakanya o sinabi mong kasama kami para umoo sya? HAHAHA!" Naasar naman si Travis sakanya kaya ayun nagwrestlingan na naman sila.

Ako? Nakayuko habang naglalakad padin palayo sakanila. Hindi ko alam ibibigay ko kay Yuji, nakakahiya naman nakalimutan ko na ngang first monthsary namin ngayon, pati pa pala Valentines bukas nakalimutan ko. AAH!! Pano ko naman kasi maaalala e halos mapuno ng iba't ibang libro yung kwarto ko nung mga nakaraang araw sa pagrereview ko. Well prepared nga ako sa prelim, nakalimutan ko naman yung part ni Yuji sa buhay ko. Nakakahiya, wala akong kwentang girlfriend!

"SACHA!!"

*BOOGSH!* Dinaganan na naman nila ako. Hindi ba sila aware na banae akoat nakapalda ako para daganan nila pareho?

"Aray.. guys, wala ako sa mood!" Nastuck naman sila ng sumigaw ako. Tumayo ako at naglakad ulit.

"Uy Sha! Ano bang problema? Tungkol parin ba 'to sa se--"

*PAK!* Sex! Sasabihin na naman nya yung word na sex!

"Sha naman e! Alam ko namang mahal mo 'ko sa paraang alam mo pero kailangan talaga iparamdam mo ng paulit ulit?!"

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon