CHAPTER 42

5.5K 146 7
                                    


First day na pagbabalik ni Sir sa campus. OMO, ang inspirasyon ko makikita ko na ulit sa school! Dali dali akong nagayos para sa pagpasok at dali dali ring umalis ng bahay. Sa totoo lang ang saya saya ko this past few days, sino ba namang hindi diba? Biruin nyo yung pagaassume ko na may crush sakin si Sir at nagaantay lang sya ng chempo para umamin sakin e nagkatotoo? Feeling cloud 9 tuloy ako, pakiramdam ko natapak ako sa ulap at palutang lutang lang ako sa puso ni Sir.

Pagdating ko sa campus si Thunder at Jess agad nakita ko, unexpectedly kasama rin nila si Penny, at magkatabi pa sila ni Thunder. Mm.. I smell something fishy.

"Hi guys!" Bati ko.

"ShaCha!" Sabay na sigaw ni Jess at Thunder sakin sabay yakap nila.

ShaCha?

"Wait. Anong ShaCha?" Tanong ko habang hawak ko ang mga noo nila para hindi nila ako mayakap.

"Sha, kasi yun yung tawag ko sayo. Cha, kasi yun yung tawag sayo ni Jess. E nagtatalo kami pag tinatawag ka namin, kaya pinagsama nalang namin." Magbebeautiful eyes pang pageexplain ni Thunder sakin.

"Ahhh....ANG PANGET. Itigil nyo." Sabay irap ko sakanila ng pabiro at lapit ko kay Penny.

"Penny Alavod Ca!" Bati ko kay Penny at yakap ko sakanya.

"Penny Alavod Ca?" Tanong naman ni Jess.

"Tawag nya sakin yan dati, ewan ko ba sa babaeng yan kung san nya nakuha yang Alovod Ca na 'yan." Natawa lang ako sa sinabi ni Penny at sabay sabay na kaming pumasok sa campus.

Ako pala inaantay nila sa gate para sabay sabay kaming pumasok.

"So, ok na kayo ni Thunder?" Bulong ko kay Penny. Nasa likudan kasi namin si Thunder at Jess.

"Oo, ang galing magpaawa effect nyan." Napangiti naman ako, buti naman ang umepekto yung pagpapacute ni Thunder sakanya. Kundi forever war sila nito ni Penny.

Pagdating namin sa Room, magkakatabi kaming apat. Jess-Ako-Thunder-Penny. Ganyan yung ayos namin napaggigitnaan ako nila Thunder. Nanonood lang kami ng funny vids, at nagkukwentuhan habang nagaantay ng prof. Si Thunder at Penny may sariling mundo, share sila ng earphone at nakaharap si Thunder sakanya. Napangiti naman ako, buti naman at close na sila hindi na sila nagsisigawan.

"Ngayon balik ni Sir. Yuji diba?" Tanong ni Jess.

"Yep."

"E ba't si Ms. Lina yung prof natin?" Nagsalubong naman yung kilay ko ng makita kong si Ms. Lina na nga yung pumasok sa pinto at may dala syang books.

"Goodmorning Class." Sabay sabay naman namin syang binati pabalik, pero ako? Naguguluhan ako, hinahanap ng mata ko si Sir. Yuji. Sabi nya ngayon sya babalik? E ba't si Ms. Lina yung nandito?

"I would like first to discuss about our teacher's week. The SSG org program remember? I have all the listed members, I'm going to call each names just to be sure."

Nagtatawag na si Ms. Lina ng mga pangalan, ako naman para akong giraffe na ang kulang nalang e humaba yung leeg ko kakadungaw sa pinto.

"Mapuputol na yang leeg mo, baka naman bukas pa sya papasok?" Sabi ni Jess.

"Hindi, sabi nya ngayon sya babalik. Ngayon ang sabi nyang first day nya. Ba't wala pa yun." Bumubulong na 'ko sa kinauupuan ko. Nagaalala tuloy ako.

"Charlotte Briones, Travis Kyle Rajishima and Jess Madrigal--"

"Ma'am, idadag po pala namin sa team namin si Penny Cuenca." Approached ni Thunder kay Ms. Lina.

"Ok, let me repeat that. Briones, Rajishima,Madrigal and Cuenca, correct?"

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon