CHAPTER 50

5K 134 0
                                    


Nasa hallway ako ngayon at nagdidikit ng posters na iniutos sakin ng isa pa naming Prof. Naka-apat na hallways at bulletin board na ko ng marinig ko na naman boses ni Travis.

"SHAAA!!"

*BOOGSH!*

"Traviiiis, kailangan talaga mangbunggo?" Nagkandalaglagan yung mga papel na hawak ko pero sya yung nagpupulot ng mga yun.

"Bigla ka kasing nawala, anong ginawa mo last saturday? Akala ko ba bibili tayo ng stuff toy para kay Penny? Inindian mo naman ako e."

"Sorry na, alam mo naman kauuwi lang nila Mama at Papa kaya yun every weekend umaalis kami para pumasyal. Bumabawi sila samin ni Raven, tsaka nung linggo naman umalis din kami ni Yuji."

Iniabot nya sakin lahat ng napulot nya tsaka taas ng kilay nya sakin.

"Oh, ano na namang tingin yan?"

"Ipinagpapalit mo na ko." *Pout*

*PAK!*

"Sha naman, nagtatampo na nga ako sayo eh." Sabay yuko nya.

May kinuha ako sa bag kong libro at binigay yun sakanya.

"Oh"

"Reflection of a Man, ano 'to?"

"Ayan yung librong gustong gustong makuha ni Penny dati pa, pero dahil limited edition yan hindi sya nakabili. Si Yuji nakipagunahan online para makuha namin yan. Yan ang ibigay mo sakanya instead na teddy bear." Sabay lakad ko palayo sakanya at dikit ulit ng posters sa bulletin board.

"Wah! Thankyou! Thankyou Sha! Magkano to? Babayaran kita." Akmang kukuha pa sya ng pera sa wallet nya ng pigilan ko sya.

"Wag na, isipin mo nalang peace offering ko yan dahil inindian kita nung sabado."

"Eeeee!"

*BOING*

"Uy Travis! Mabigat! Oy!" Bigla kasi syang tumalon sa likod ko na parang nagpapapiggy back ride.

"Kaya mahal na mahal kita Sha e, hindi mo ko kinakalimutan yiee! Osha! Balik na ko sa room bibigay ko nato kay Penny Alavod Ca."

Nagwave pa sya sakin bago sya umakyat ng hagdan, natawa nalang ako sakanya. Haynako Penny, anong ginawa mo at nainlove agad sayo si Travis.

Matatapos na ko sa pagdidikit ng posters ng may magsalita sa likod ko.

"Good morning, Ms. Briones."

Napangiti naman ako dahil iisang lalaki lang naman ang alam kong ganun ang pabangong naaamoy ko. Umikot agad ako ng may malalaking ngiti sa labi ko pero ibang lalaki ang nakita ko.

"Yuj--S-sir. Hunt! Kayo pala heh he." Muntikan ko ng masabi pangalan ni Yuji buti nakasegway ako agad.

"Haha, you look surprise Ms. Briones. Are you expecting someone?"

Yes. I thought you were my Husband.

"Wala, wala naman po Sir." Ngiti ko pa at ngiti nya rin pabalik sakin.

"Good, can you come to my office later after dismissal?"

NO. Inaantay ako ni Yuji sa parking lot pag saktong dismissal namin.

"Um, naku Sir may pupuntaha--"

"Please? Please? I'm just going to show you something."

Something like what?

"Bakit hindi nalang po ngayon matatapos narin naman po ako dito."

"I wish I could but I'm actually heading to my class now. Dismissal lang talaga free time ko. Pretty please?"

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon