CHAPTER 82

3.9K 106 5
                                    


Hapon mga 3pm, maaga kaming nadismiss kaya dumiretso na kami nila Travis at Jess sa office ni Yuji.

"Parang kinakabahan ako ah, mahirap ba daw yung test, Sha?" Tanong ni Travis sakin.

"Mm, medyo daw. Kasi parang nasa test na yun yung lahat ng topic for whole college years." Sagot ko.

"Eh, bakit parang hindi ka kinakabahan?" Aniya.

Kinakabahan ako oo, pero mas laman talaga ng utak ko ngayon si Lolo.

"Wag ka kasing kabahan, easy kalang. Tamo to si Jess, ang tahimik. No Jess?" Siniko ko pa sya pero busy sya kakatext sa phone nya.

"Uy Jess!" Sigaw ni Travis sakanya kaya napatingin sya samin at tinago agad yung phone nya.

"Ah eh, ano nga ulit yung pinaguusapan nyo?" Tanong nya.

"Yung tungkol sa test? Ok kalang ba? Mukha kang puyat." Inexplore ko pa yung mukha nya dahil para talaga syang kulang sa tulog.

"War kayo ni Irene ano?" Tanong sakanya ni Travis.

"Oo e. May problema kami."

"Ano naman yun?" Tanong ko.

Medyo nanahimik sya saglit bago sya sumagot.

"May nangyari samin."

1

2

3

*Ting!*

"JACKPOT BRO!" Nakipagapir pa si Travis sakanya.

*PAK!*

"Sha naman!"

"Tuwang tuwa ka e no? Sex is a big deal! It's not like meron ng nangyari sainyo ni Penny para maging maliit na bagay para sayo yun diba?"

Hindi sya makasagot sakin sabay kamot nya ng ulo.

"Well...ano kasi.."

"Ano?" Tanong ko.

"May nangyari nadin kasi sakanila ni Penny, Cha." Sabat ni Jess.

Halos malaglag naman yung panga ko sa sinabi ni Jess. Gusto kong magreact pero nakanganga lang ako.

"At hindi lang isang beses." Dagdag pa ni Jess.

"Yeah mahigit limang beses na. What? Gusto rin nya eh, tsaka hindi lang sex yun no! We made love ang mas appropriate na tawag sa ginawa namin." Pangangatwiran ni Travis.

"Exactly. Ginusto rin naman nila tapos tayong mga lalaki sisisihin ng mga babae sa huli no?" Nagapiran pa sila ni Jess.

Nagtatawanan silang dalawa, ako ang lalim ng iniisip ko. Si Penny at Travis? Ginagawa na pala nila yun? At mahigit 5 times pa?! How come na hindi ko alam?! Tapos si Jess at Irene din, well hindi naman nakakagulat para sakanilang dalawa dahil bitchy type talaga si Irene pero si Penny? I did not see that coming.

"Oy Sha, gulat na gulat? Hayaan mo magagawa nyo rin yun ni Sir. Yuji pero wag muna ngayon, tsaka na pag kasal kana sakanya ok?" -Travis

"Oo nga para naman safe ka, Cha. Hindi kami makakapayag na---Bakit ka ngumingiti?"

"Ha? Anong ngumingiti?" Patay malisya kong tanong sakanya. Hindi ko kasi napigilang hindi ngumiti nung naalala ko yung gabing yun.

"Alam na alam ko yang ngiti mo na yan. Yan ang guilty smile mo, Cha!" -Jess

"May guilty smile pala ako?" Tanong ko pa.

"Sha, don't tell me.." -Travis

"WHAT? Kayo na nagsabi, it's not just sex. It's making love!"

*sabay takbo*

"SHACHA!!!!" Nagsimula nila akong habulin paakyat ng 5th floor.

Akala ko ba it's not a big deal? Ginawa na nga nila pareho tapos nung ako na gumawa papagalitan nila ako? It's unfair! Ano 'ko bunso nila? No no no no.

Kakatakbo ko paakyat ng 5th floor, tanaw ko na office ni Yuji at nasa likod ko narin sila Travis at Jess kakahabol sakin.

"STOOOP!" Para akong traffic enforcer na humarang sakanila, nakahand gesture pa ko.

"You have a lot if explaining to do, young lady." -Jess

"A LOT of explaining to do. Di porket ginagawa namin, gagawin mo narin. Sating tatlo, you're our little sister, Sha!" -Travis

"Achecheche! Ano 'ko bata? Mamaya na natin pagusapan ok? Nandito na tayo sa tapat ng office ni Yuji, magtetest na tayo. Kumalma na kayo, mamaya nyo na 'ko sermunan."

Kinindatan ko pa sila bago ko buksan yung pinto, sabay naman nila akong inirapan habang nakacrossed arms silang dalawa. Mga bading talaga.

Pagbukas ko ng pinto, ang laki ng ngiti ko thinking na akala ko makikita ko si Yuji dito na nakaupo sa desk nya tapos may suot syang salamin as he always have pero wala. Wala kaming Yuji na nakita sa loob kundi tatlong upuan na nakaarrange sa isang desk at tatlong folders sa table.

"Nasaan si Sir. Yuji?"

"Akala ko ba sya magpapatest satin?"

Tanong nilang dalawa. Nakasimangot lang ako habang naglalakad papunta sa table. May post it note kasi akong nakita na nakadikit sa table.

Mr. Rajishima, Mr. Madrigal, and Ms. Briones. Here are the questioners inside these folders for your acceleration test. You have exactly 6 hours to take the test before I return and take all your answer sheets. Instructions and warnings about this test will be all inside the folders, it is up to you if you guys will cheat or copy one's answers. Goodluck!

Yun yung note ni Yuji para saming tatlo. Binasa ko pa nga ng malakas para marinig nila Travis at Jess.

"6 hours, ayos! Tara magsagot na tayo!" Umupo agad si Travis sa isang upuan at ganun din si Jess.

Umupo nadin ako, magkakaharap kaming tatlo at tag-iisa kami ng folder na nasa table. Nagsimula na agad silang magsagot pero ako kinuha ko muna yung phone ko para itext si Yuji kung nasaan sya. Sabi nya kasi sakin, sya ang magbabantay samin habang nagtetest pero nasaan sya?

"Nandito na kami sa office, magsasagot na kami. Nasaan ka?"

Message sent.

Itatago ko na dapat yung phone ko ng magvibrate yun agad at makitang nagreply agad si Yuji.

*One message recieved from Yuyu❤*

"I'm with Maxine, ngayon kasi sya magpapa-ultrasound and she needed me as a support as the father of the child. I'm sorry, I didn't get the chance to tell you but I promise I'll be there as soon as you guys finished the test. I will pick you up, I love you. Wait for me okay? Goodluck on your test, Mrs. Salvatore."

*SIGHED*

"Cha, ok kalang? Magtest kana, nagsisimula na kami oh." Sabi ni Jess.

Hindi na ko nagreply kay Yuji, tinago ko nalang yung phone ko at ngumiti kay Jess bago ko simulan yung pagsasagot.

Magkasama pala sila ngayon, ang daya. Dapat kami yung ganun ni Yuji in the future eh, yung kasama ko sya magpa-ultrasound para makita yung baby namin tapos hawak hawak nya yung kamay ko as a support. Him being happy as we both see our baby in the monitor, yung parehas kaming maluluha pag sinabi na samin ng doctor yung kasarian ng baby namin. Pero hindi, it was all my imagination and fantasies. Hindi ako yung kasama nya kundi si Maxine na dinadala yung anak nya. Kalungkot, pero wala eh. Ito na yung simula ng sinasabi ni Lolo na mawawalan ng time sakin si Yuji dahil nandun sya sa mag-ina nya. At tulad ng sinabi ko, ok lang tatanggapin ko.

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon