CHAPTER 19

5.5K 169 5
                                    


"Ba't di mo ko sinasagot?"

Sinisermunan nya ko habang pinupunasan yung basang basa kong braso. Hinawakan nya rin yung noo ko kung nilalagnat ako, naghanap din sya sa bag nya kung may gamot sya at pinapainom nya sakin yun gamit ang tumbler nya. Galaw sya ng galaw sa loob ng kotse habang salita sya ng salita na pano kung nakidnap daw ako ganito, pano kung narape ako ganyan, para syang si Mama kung manermon pero mas gusto kong sya ang nanenermon sakin kesa kay Mama.

"Ms Briones, please say something!"

Hawak hawak nya yung balikat ko at inaalog ako.

"Sir, pano ko kayo sasagutin sa mga tanong nyo e hindi nyo ko pinagsasalita sermon kayo ng sermon."

Nakita kong nagsitaasan yung mga kilay nya. Ay tinatarayan ba nya ko? Gayyy!

"Sa ginagawa mo Ms. Briones, you're forcing me to call your parents and tell them what you are doing. Walking in the middle of the night? Akala ko nakauwi kana?"

Nakauwi? Nanggaling ako sa mall para bilihan sya ng gift, san nanggaling yung nakauwi na ko?

"Um.."

"What if something happened to you? What you did back there? That's not you! Matalino ka Ms. Briones, you knew the risks! Tsaka ba't wala kang kasa--"

Binabawi ko na yung sinabi ko, mas maingay sya kay Mama manermon. Mas gusto ko na palang si Mama yung nanenermon kesa sya. Ginigisa nya ko e! Pinatigil ko sya sa kakasalita ng iharap ko sakanya yung paperbag na hawak ko.

"Happy Birthday Sir." Hindi ako nakatingin sakanya ng batiin ko sya. Nakatingin ako sa bintana ng kotse, nahihiya akong batiin sya hinarap ko nalang sakanya yung paperbag para magtigil sya sa kakasalita. Sa kakadada nya, pinipilit nya kong halikan sya.

"W-what's this?"

"Paperbag."

"What's inside it?"

"Paperbag."

"Ms. Briones." Naasar ata sya sa sinabi ko.

"Kunin nyo kasi Sir sa kamay ko at buksan nyo para malaman nyo yung laman. Nakakangalay din Sir, alam nyo yun?"

Nagglare sya sakin, halikan kita dyan e.

Kinuha nya yung paperbag sa kamay ko at para syang bata kung halughugin yung laman nun. Once na nakita na nya yung polo at necktie, tumingin sya sakin at dahan dahang nagcurve yung bibig nya at ngumiti sya sakin.

"Nanggaling po ako sa office nyo kanina pero wala kayo dun, galing din akong mall para ibili yan sainyo pero natraffic ako sa daan kaya hindi ko na kayo naabutan. It's not much pero dahil pawis na pawis ako kakatakbo ng hagdan para maabutan kayo, sana napasaya ko kayo sa gift ko. Happy birthday po Sir."

Hindi parin ako nakatingin sakanya ng sabihin ko ang mga yun, sa bintana ako nakatitig at hindi sakanya.

"Thankyou Ms. Briones, bakit hindi mo ko tingnan?"

Ayoko, natutunaw ako sa tingin nyo.

"Ang ganda po ng tanawin sa labas." Palusot ko pa.

"Basurahan ang tinitingnan mo sa labas Ms. Briones."

Tinitigan kong mabuti yung labas, takte oo nga basurahan yung nasa labas. Tumingala ako sa langit

"Ang ganda po ng langit, ang dilim." Palusot ko na naman. Kahit kailangan Karlota palpak ka magpalusot.

(Chuckle)

Nilingon ko si Sir at yun tumatawa na naman sya. Hala sige tumawa ka dyan, pagbibigyan kita ngayon dahil birthday mo. Bukas hindi na pwede, kiss na kapalit bawat tawa mo pfft.

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon