June 19, 2003

13.5K 605 83
                                    

Dear Diary,

Ipinatawag kaming lahat sa social hall bago mag-uwian kaninang hapon. Galit na galit si Sister Norma. Nasa stage sya, nagmumura. Wala na raw acquaintance party. Wala na raw kahit anong party sa buong taon.

Ikinwento sa 'kin ni Lotlot 'yong nangyari kanina sa recess. Nasa classroom kasi ako. Naubos ko na 'yong baon ko kaninang umaga kaya nagtubig na lang ako. Sabi ni Lotlot, may isa raw third year student na nakipagharutan sa mga kaklaseng lalaki sa tapat ng mga tindang spaghetti ni Nana Maring. Sumipa raw 'yong lalaki tapos nasabuyan ng buhangin 'yong mga spaghetti.

Muntik nang bumulanghit ng tawa si Lotlot nang sabihin kong "E, di mabuti. Magkakalahok na 'yong spaghetti nya."

Wala naman kasing ni isang hibla ng corned beef sa spaghetti ni Nana Maring, diary. Puro pasta at ketchup lang. Masarap sana kaso mas makakasakto ka pa ng malaking piraso ng bawang kesa isang pisang ng hotdog.

Pero ayon nga, galit na galit si Sister. Mga wala raw kaming kwentang estudyante at mapupunta raw kami sa impyerno.


Mas gustong mapunta sa langit,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now