August 22, 2003

12K 550 51
                                    

Dear Diary,

Dahil ako ang highest sa ilan naming monthly exams noong July, sa akin kumapit ang mga kaklase ko nang first periodical exam namin. Alam kasi nilang mahilig akong mag-memorya kaya ako ang pinag-review nila sa A.P. Kokopya na lang daw sila.

'Yong isa kong classmate, Filipino naman ang tinutukan. May isa sa MAPEH. May isa pa sa CLVE. Toka-toka kami tapos palitan na lang ng sagot kapag exam na. Pero, diary, maramot ako pagdating sa exam. Ayaw kong nagpapakopya. Kaya nang mag-exam kami, sa pinakang unahan at kanto ako pumwesto. Sa dakong malapit sa teacher ako umupo. Walang nakakopya sa 'kin, diary.

Liban sa isa. Wala kasing pakialam 'yong teacher namin sa Filipino kaya may nakahablot ng papel ko. Kinopya ni Robbie lahat ng sagot ko sa multiple choice. :(


Di na natuto,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now