February 17, 2005

10.6K 584 58
                                    

Dear Diary,

Bakit sobrang feeling close ni Robbie? -__-

Kaninang umaga, kapapasok ko pa lang ng gate ng school nang makita nya ako. Agad syang lumapit tapos inakbayan ako. "Bakit absent ka kahapon?" tanong nya. Ayaw kong pinagtitinginan, diary, kaya siniko ko sya sa tagiliran para lumayo sya sa 'kin.

Nag-quiz sina Lotlot sa Filipino kahapon. Tapos may graded recitation sa CLVE. May assignments din daw sa Math at AP. Mabuti na lang at mabait itong kaibigan ko. Dumaan sya sa bahay kahapon tapos sinabi sa 'kin. Ako na lang ang nag-aral sa bahay tapos ginawa ko 'yong assignments bago ako matulog.

Kaninang hapon naman, dumikit uli si Robbie sa 'min. Nagpalibre ng fishball kay Lotlot. 'Yong sampung piso tuloy na dapat sa akin lang, nakalahati. :(

Pero nanlibre naman sya ng ice cream. Para raw magkasakit ako uli. -__-


Hindi tumatanggi sa libre,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now