October 9, 2003

12.4K 504 27
                                    

Dear Diary,

Pasensya na kung hindi na naman kita nasusulatan. Bukod kasi sa practice ng cheerdance (kasali kami--tagasigaw) ay nagre-review din ako para sa exams. May isa pala akong hindi nasabi tungkol do'n. 'Yong mga kasali sa cheerdance at games, automatic na pasado sa MAPEH. Ang daya, di ba? :(

Hindi na rin kami nagkaklase do'n. Puro practice na lang since ilang araw na lang, intrams na. 

Nga pala, kanina pumunta kami sa bahay ni Kaye, 'yong class president namin. Gumawa kami ng props para sa cheerdance. 

Tapos nagluto kami ng maraming pancit canton. Iniulam namin sa tinapay na binili namin sa bakery. Hindi naman lahat pumunta. 'Yong mga officers lang ng mga klase ang ni-require. Pero marami pa rin kami. Saka maingay. Pero masaya, diary.

Usapan namin, kapag nanalo kami sa cheerdance, magsi-swimming ang buong batch!


Excited sa swimming kahit hindi marunong lumangoy,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Donde viven las historias. Descúbrelo ahora