January 3, 2005

10.7K 478 15
                                    

Dear Diary,

Hindi ko napanindigan 'yong tamagotchi. Naiwan ko kasing nakakalat gawa nang dumayo 'yong mga pinsan ko sa bahay. Naimpis ni nanay. Nang maalala ko, kinabukasan na. Ayun, pagtingin ko, patay na 'yong tamagotchi ko. :(

Tinamad na akong mag-alaga kaya itinabi ko na lang.

Nga pala, birthday ko na naman. Tatanda na naman ako. Haaay.

Third year na kami sa June. Ang bilis lang ng panahon. 

Birthday din pala ni Robbie kasi magkasunod lang kami. Buti na lang hindi na kami magkaklase. Iwas din sa panunukso. 


Malapit nang mag-kinse,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon