July 21, 2004

11.9K 605 85
                                    

Dear Diary,

Mula noong nangyari ang maliit na insidente sa acquaintance party, tinigilan na ako ni Lotlot at ng mga kaklase ko. Ang nangyari pala, diary, 'yong Ivan daw ang may crush sa akin at nagpapatulong lang kay Robbie kasi naging classmate ko si Robbie dati.

Ngayon ko lang na-realize na kaya pala palagi silang magkasamang dalawa. Minsan, naiiba 'yong iba nilang kasama, pero sila 'yong palagi.

Pero, diary, kahit sino naman sa kanila ang may 'crush daw' sa 'kin, wala naman akong paki. Kasi bawal 'yong ganon. Magagalit si nanay.

Pero hindi ko sinabi kasi wala namang sinasabi 'yong Ivan. Nagbibigay lang ng chocolates. E, mahilig ako sa chocolates, diary. Pero kung manliligaw 'yon, kagaya ng ipinapanakot sa 'kin ni Lotlot, saka ko sya patitigilin. Kasi bawal saka ayaw ko.


Nakakalibre ng chocolates,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now