November 22, 2004

10.4K 500 30
                                    

Dear Diary,

Medyo okay na 'yong galos ko. Tuyo na 'yong sugat. Nang makita ko si Robbie sa hanay, agad ko syang kinumusta kasi hindi biro ang madaganan. Sabi naman nya okay lang daw sya. Na-check-up na rin daw sya ng tita nya tapos wala raw namang nabaling buto.

Pero may utang na loob ako sa kanya kaya sabi ko, ililibre ko sya ng recess. Akala ko tig-lilimampiso lang 'yong ipabibili nya kaso... inubos nya 'yong baon ko. Nakapag-softdrinks pa sya kanina habang ako, umasa na naman sa libre ni Lotlot. Mabuti na lang nandyan si Lotlot.

Tapos, may sugat din kasi 'yong dalawa nyang braso. Mas malala sa 'kin. Idinahilan nyang hindi raw sya makapagsulat nang maayos kaya pinadala nya 'yong notebooks nya sa lahat ng subjects tapos ipinasulat nya sa 'kin 'yong lessons na hindi nya naisulat.

Kumusta naman 'yong biology, diary? Para akong kumukopya ng libro. :( Secretary pa naman uli ako kaya hindi rin ako nakapagsulat. Tig-sampung pages, back to back ang pinaglamayan ko huhuhu.

Bayad naman na siguro ako nito?


At least nakaligtas sa paghuhugas ng pinggan,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now