June 29, 2006

11.2K 594 95
                                    

Dear Diary,

Medyo nawi-wirduhan akong hindi nagsusulat sa blackboard. Ngayon kasing 4th year, sinabi kong hindi na ako magsi-secretary. Para makumpleto ko naman ang notes ko! 'Yong dating assistant secretary ang naging secretary ngayon. Tapos, alam mo ba, diary, loka-loka talaga si Lotlot. I-nominate ba akong muse! Pero alam mo ba ang mas malala? Nanalo ako. :(

Hindi ko alam kung nagmumukha na ba akong tao o napagtripan lang ako ng mga kaklase ko.

Alam mo ba kung sino ang escort? Si Derrick sana. Kaso, nang ninominate sya, agad syang umayaw. Si Lotlot lang daw ang muse nya. Sweet, di ba? 

Alam mo ba kung sino ang kalaban ni Derrick sa pagiging escort?

Yep. SIYA nga.


Quota na sa panunukso,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon