August 1, 2003

13.2K 515 7
                                    

Dear Diary,

Pasensya na kung hindi na naman kita masyadong nasusulatan. Tinatamad kasi akong ulitin ang mga nangyayari sa akin sa araw-araw. Paulit-ulit lang naman. Papasok, mag-aaral, uuwi sa bahay. Tuwing Sabado, pupunta sa school para maglinis. Tuwing Linggo, magsisimba. Pagkatapos, aayain ako ni Lotlot sa plaza para manuod ng basketball. Nandoon kasi si Robbie palagi, naglalaro.

Kung mainit naman o ayaw kong sumama, mag-aaya siya ng iba naming kaklase, magrirenta ng CD tapos saka manunuod sa bahay namin. Si Kuya Yong kasi, bumili ng TV sa Surplus. Tapos may kasama na ring CD player. Medyo malayo kami sa bayan, mga 15 minutong lakad siguro. Malilom sa amin. Maraming puno. Kaya gustong-gusto roong tumambay ng mga kaklase ko.

Agosto na pala. Malapit na ang periodical test.


Magri-review muna,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon