January 5, 2016 (July 1, 2005)

9.9K 618 92
                                    

July 1, 2005



Dear Diary,

Pahingi naman ng peace of mind. Long lost brother yata nitong si Robbie si Derrick. Parehong nangongopya palagi sa 'kin sa quiz. Parehong hingi nang hingi ng papel kapag may quiz. Parehong kung makaakbay, akala mo plano nila akong ibaon sa lupa.

Tapos parehong nanghihila ng buhok!

May mga nakapagsabi sa aking naiinggit daw sila dahil ka-close ko 'yong dalawa. "Inyong inyo na!" sabi ko naman. Kawawa na 'yong anit at balikat ko. Buti na lang bumabawi sila sa panlilibre.

Bale, tatlo na ang nanlilibre sa 'kin ngayon. Hehehe.

Masaya naman si Lotlot kasi madalas kaming magkakasamang apat. Close na sila ni Derrick.

Pumapandak na yata dahil palaging inaakbayan,

Ylona


******

Akala ko talaga may gusto ka kay Derrick dati. I thought that he likes you too. I didn't want to make the same mistake I made with Ivan. Ayaw ko nang magparaya uli. I only helped him because I was unsure of my feelings for you. But with Derrick in the picture, it's different. I was threatened. 

Lalo na nang makita ko sa notebook mo 'yong FLAMES ng mga pangalan ninyo. Ano ba naman ang laban ko kay Derrick kung gusto mo rin sya, di ba?

Laking pasalamat ko na lang talaga dahil kay Lotlot nagkagusto si Derrick at hindi sa 'yo. At sa akin ka nagkagusto, hindi sa kanya. Hahahaha. -Robbie

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt