January 13, 2004

12.3K 557 116
                                    

Dear Diary,

Naiinis na ako. Palagi na lang kasi kaming tinutukso. Noong isang linggo kasi, nag-long quiz kami. Tapos nang checking ng papel, sa akin napunta 'yong papel ni Robbie tapos sa kanya naman napunta 'yong papel ko. Nang ibigay nya sa 'kin 'yong papel ko, tinukso kami nang walang habas. Tapos lalong lumakas nang ibalik ko naman sa kanya 'yong papel nya.

Feeling ko sinadya 'yon ng mga kaklase ko, e. Imposible naman kasing nagkataon lang.

Alalang-alala na nga ako kasi baka magalit sa 'kin si Lotlot. Pero nang sabihin ko naman kay Lotlot, sabi nya wala lang daw 'yon. Kasi may crush din daw sya na 2nd year, dalawang fourth year, at saka taga ibang school. Pwede naman daw nyang ibalato na lang si Robbie.

Wala naman akong crush kay Robbie. :(

Saka kukurutin ako sa singit ng nanay ko kapag nalaman nya 'yong nangyayari sa school. Dapat daw kasi, pagkatapos ko ng college, saka ko na atupagin 'yong mga ganyan.

Si Lotlot, nag-volunteer na turuan akong mag-flames.


Natuto biglang mag-FLAMES,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now