March 26, 2005 10:44PM

10.6K 591 80
                                    

Dear Diary,

Nag-swimming kami kanina. Ang daming pagkain! Nag-ambag din kasi 'yong mga ka-batch kong may honor. Ako lang yata ang walang bigay. Binigyan lang ako ni nanay ng pambili ng yelo. Ilagay ko raw sa juice. Nang magreklamo ako kasi 'yon lang ang ambag ko, sabi ni nanay mas masarap at refreshing daw ang juice kapag malamig. Importante daw ang yelo. Kuripot nya talaga :(

Buti na lang, okay lang sa mga ka-batch ko. Saka wala naman kasi sa amin kung ano 'yong naiambag. May mga kaklase nga akong hindi nakapag-ambag pero sila 'yong tumutulong pagbubuhat ng mga dala, sa paghahain ng pagkain, saka sa pagkikwento.

Kanina, lumapit sa akin si Ivan tapos natukso kami, pero nawala rin naman agad kasi nagkunwari akong walang naririnig. Akala yata nila nairita ako. Nangumusta lang naman si Ivan. 

Tapos, ano pala... kagaya ng kinatatakutan ko, umitim nga ako. Kaninang uwian, tinawag ako ni Robbie na ulikba. Para raw akong bagong lutong tinapa. :(

Ang sama nya, diary. Hindi ko sya kinausap hanggang sa maghiwa-hiwalay kami ng daan.


Medyo nasaktan,

Ylona


The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now