July 1, 2003

12.6K 567 33
                                    

Dear Diary,

Kanina, tinuruan kami ni Sir Sucilla na mag-Microsoft Word. Hindi ko na-spell nang buo 'yong pangalan ko kasi ang tagal-tagal ng mga kasama ko sa computer na i-type 'yong pangalan nila. Nawili kasi sila sa pamimili kung ano'ng Word Art ang gagamitin nila.

Hindi ko rin nagamit 'yong floppy disk kanina kasi ginasgasan ni Lotlot. Hindi tuloy gumana. Babayaran nya na lang daw.

Tapos ahm... ano pa ba?

Ah! Kanina ko lang na-realize na halos isang buwan ko na palang kaklase si Robbie pero hindi ko pa sya nakakausap. Ako na lang yata ang hindi pa nya nakakausap.

Napansin ko lang, diary.


Nanghihinayang sa floppy disk,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now