March 23, 2005

10.1K 525 25
                                    

Dear Diary,

Meeting de abanse kanina. Umakyat kaming lahat sa social hall para sa final showdown ng dalawang partido. Nakakagulat kasi halos magkasinglakas ang cheer ng mga estudyante para sa kanila. Saka mukhang good sport lahat. May mga magkakaibigan kasi na magkalaban ang partido.

Isa sa pinakamalakas na sigaw ay para kay Robbie. Galing sa mga second year. Di na ako sumigaw kasi hindi ako marunong sumigaw. Nakipalakpak na lang ako.

Narinig kong pinag-uusapan sya ng ilang third year kanina. May mga crush sa kanya. Feeling ko maraming boboto sa kanya sa third year at fourth year.

Manlilibre kaya sya kapag nanalo sya?


Nagtatanong lang naman,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now