February 13, 2004

12.6K 558 141
                                    

Dear Diary,

Halos lahat ng hula kong makatatanggap ng regalo at chocolates ay nakatanggap. 'Yong last subject namin kanina, bago mag-uwian, hinayaan kaming magbigayan ng regalo. Syempre, para sa matatapang lang 'yon. Siguro 'yong iba, naibigay na 'yong mga regalo nila. Siguro 'yong iba, bukas pa. Baka may magdi-date ng mga estudyante sa Tarsing bukas. 'Yon kasi ang nag-iisang mamahaling restaurant dito sa amin. Doon lang may burgers at masarap sa spaghetti. Tapos halo-halo.

Gusto ko rin tuloy ng halo-halo kahit medyo malamig pa rin ang panahon.

Kanina pala, diary, nang halos nag-uwian na lahat, napadpad ako sa isang area na walang masyadong tao. Doon kasi ang tambakan ng mga susunuging tuyong dahon. E, ako ang pinagtapon ng mga kagrupo ko.

Nakita ko si Robbie doon. Tapos may isang babaeng kasama. Dilaw 'yong kulay ng lanyard ng ID noong babae kaya alam ko kaagad na second year sya. May iniabot sa kanya na teddy bear tapos may yakap na chocolates 'yong teddy bear.

Tapos umalis na 'yong babae.

Nang wala na 'yong babae, saka ako lumabas sa pinagtataguan ko para kunwari kadarating ko lang. Magkasalubong kami ni Robbie. Kahit ano'ng pigil ko, hindi ko naiwasang mapatingin do'n sa chocolates, diary. Gusto ko talaga ng chocolates :(

Napansin yata ni Robbie kaya kinuha tinanggal nya sa pagkakatali 'yong chocolates tapos iniabot nya sa 'kin.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Sa 'yo na lang," sabi nya. "Marami na 'ko nyan."

Hindi na ako nakatanggi kasi gusto ko talaga ng chocolates. Tapos umalis na rin sya agad kaya hindi ko na rin naibalik. 

Ibinulsa ko kaagad 'yong chocolates.

Totoo pala 'yong sabi sa FLAMES. Ang galing!


May chocolates na,

Ylona




F-L-A-M-E-S

*remove all the same letters from the two sets of names*


R O B E RM A R I O N  Q U I J A D A

Y L O N A  M A R I A  I B A R R A 


*count all the remaining different letters*

7


*count through the letters of FLAMES. After all the letters were counted, go back to the beginning of the word and continue counting.

F-L-A-M-E-S

1-2-3-4-5-6

7-------------

F- Friendship



The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now