June 20, 2005

10.1K 553 48
                                    

Dear Diary,

Halaaaa. Kasalanan kong sweethearts ang nakuha ko tapos enemies ang kay Lotlot? Kasalanan ko? Ako ba ang umimbento ng FLAMES? Subukan ko raw agawin si Derrick sa kanya, hindi nya na raw ako ililibre.

Nagalit pa sya sa 'kin nang sabihin kong hindi ko naman maaagaw 'yong hindi kanya! Bakit? Totoo naman, e!

Nga pala... pinapili na kami kung gusto naming mag-TLE o catechist. Nag-catechist kami ni Lotlot para makalabas kami ng school. Maraming masarap na pagkain sa labas ng school, e. Hindi lang namin maabutan dahil nauuna 'yong mga elementary student dahil mas nauuna silang lumabas ng school.

Tuwang-tuwa si Lotlot kasi magka-catechist din si Derrick. Gusto raw magturo sa mga bata. Pero malakas ang kutob ko, diary, ayaw nya lang mag-TLE kasi may drawing-drawing 'yon.

Si Robbie, nakisali rin. Catechist na lang din daw sya para makapaglalayas sya sa hapon.

Nang magsabi 'yong dalawa kay Sister Macrina, biglang gusto na ring mag-catechist ng iba kong kaklaseng babae. Kaso hindi na pwede kasi sakto na kami.

Pinagpares-pares na kami kanina. Sa last section ako napalagay. Sa section 6. Kasama ko si Robbie. Saka si Derrick. Galit na galit na naman si Lotlot. E, kung gusto nyang makipagpalit, ayos lang naman. Basta sya ang magsabi kay Sister Macrina. Sungitan pa 'ko no'n!

Ang saya kapag dalawang lalaki ang kagrupo mo, diary. Ikaw ang paniguradong gagawa at mag-aasikaso ng lessons. Saya. Ang saya talaga.

Ibinigay nila sa 'kin 'yong module na ibinigay sa 'min ni Sister. Gumawa raw ako ng visual aids para sa demo lesson namin bukas. Turuan ko na lang daw sila kung ano ang sasabihin bukas.

Ang saya talaga, diary. Sobrang saya ko. -______-


Nakapagbasa ng Bible nang wala sa oras,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin