March 31, 2010

10.3K 543 89
                                    

Hi Diary,

Ang daming nangyari sa first 3 months pa lang ng taon. Binati ako ni Robbie noong birthday ko. Syempre dahil kabi-birthday pa lang nya, binati ko na rin sya. Nag-sorry sya sa ginawa ng ex nya dati. Sobrang tagal kong nakatitig sa text na 'yon, diary. Ex daw. Napatanong tuloy ako ng, "Break na kayo?"

Sabi nya matagal na raw. Hindi naman daw kasi nya gustong-gusto 'yong babae. MU-MU lang tapos sinubukan nya kung magugustuhan nya. E, masama raw pala ang ugali.

Diary, bakit ganoon ang mga lalaki? Liligaw-ligaw sa hindi naman gusto.

Tinanong ko si Derrick tungkol dyan, e. Sabi nya, may mga lalaki raw kasi na wala talaga silang gustong babae, crush-crush lang. Pero once na makita nila 'yong qualities na gusto nila sa isang babae, liligawan nila tapos mapu-fall na lang sila along the way. 

May mga lalaki raw naman na may gusto na talaga sa isang babae kaso natutorpe silang manligaw kasi natatakot silang baka hindi mag-work. Tapos ibabaling daw nila 'yong atensyon nila sa ibang babae, pero minsan daw, ang ending e babalik at babalik pa rin sila doon sa babaeng gusto nila talaga.

Siguro ganoon sya kay Lotlot. Sana ganoon sya kay Lotlot, diary. 


Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now