January 7, 2005

11.4K 643 83
                                    

Dear Diary,

Nalaman ni Lotlot na binigyan ako ni Robbie ng tamagotchi no'ng Christmas party. Actually, nalaman ng buong klase. Kasi tinanong ni Robbie kung kumusta na 'yong tamagotchi na bigay nya. Sa harap ng mga kaklase ko. 

Tapos, sunod-sunod na. Nalaman din nila na binigyan ko ng teddy bear si Robbie. Medyo nagtampo pa si Lotlot kasi pink daw 'yong teddy bear. Dapat sa kanya ko ibinigay. Naayos ko naman nang in-explain ko na bigay lang 'yon ng ninang ko at wala akong perang pambili ng regalo kaya 'yon na lang ang ibinigay ko.

Kaso itong si Robbie, sukat ba namang sabihing, "Ha? Kaya pala imported si Ylona bear. Papasko pala ng ninang mo 'yon sa 'yo."

Tapos ayun, nalaman na rin nilang ipinangalan ni Robbie sa akin 'yong teddy bear. Kahit anong pilit kong sabihin 'yong totoong dahilan, hindi naman nila pinansin.

Naghahanap lang talaga ang mga kaklase ko ng matutudyo. Malas ko ako 'yon. :/


Naghuhukay na kasi ang tagal lamunin ng lupa,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now