March 10, 2005

10.7K 534 43
                                    

Dear Diary,

Nakatulog ako sa first last subject namin kaninang umaga, bago mag-uwian sa tanghali. Nakakaantok kasi 'yong boses ni Misis. Nakatulog tuloy ako. 

Kagaya kahapon, sinabi ko uli sa dalawa na uuwi ako kaagad kasi masama pa rin ang pakiramdam ko. Masama talaga kapag first at second day. Simula noong nagkaroon ako last year, palagi na lang ganito. Gusto kong mamilipit at matulog buong araw. Tapos iindahin 'to ng mga babae hanggang mag-menopause sila? Grabe.

Pero mas mabuti na 'yong buwanang dalaw kesa buntis. Mas mahirap ang magbuntis. 

Nga pala, bago humiwalay sa 'min si Robbie, binigyan nya kami ng isang bag ng chocolates. 'Yong maliliit. Galing daw sa Duty Free. May umuwi raw kasi galing U.S. Marami raw chocolates sa bahay pero sila-sila lang naman ang kakain kaya nagdala sya.

At dahil super duper bait ng ulirang kaibigan kong si Lotlot, kumuha lang sya ng limang piraso tapos akin na lahat ng natira.

Itinago ko 'yong chocolates kasi kapag sa ref ko inilagay, bukas ubos na. Naglagay lang ako ng dalawang piraso sa ref. Pinangalanan ko ng Y L O N A. Tapos itinago ko sa lalagyan ng mga gulay.


Namimilipit pa rin sa sakit nang slight,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now