June 8, 2004

10.9K 564 71
                                    

Dear Diary,

Kanina, nakasalubong ko si Robbie sa hallway. Nginitian nya ako. Kaso nawirduhan ako kaya hindi ko sya napansin.

Kwento pala ni Lotlot na late na raw nag-enroll si Robbie. Kaso napakiusapan sina sister kaya tinanggap pa rin. Di na raw sya aalis at plano nang dito na magtapos ng high school sa amin kung hindi magkakaproblema.

Kapag daw kasi sa Maynila, mag-isa lamang si Robbie sa bahay. Padadalhan lang daw ng pera ng mommy nya tapos dadalaw-dalawin ng tita nya. Ayaw kasi ni Robbie na sa bahay ng tita nya sa Maynila tumira kahit nandoon ang isa nyang pinsan. 

Sabi pa ni Lotlot, plano na raw talagang umalis ni Robbie. Kaso raw, isang araw, bigla raw nagbago ng isip tapos nagsabi na mag-i-stay na lang daw sya sa isla.

Hindi naman 'yon siguro dahil sa pag-uusap namin? Di naman ako convincing, diary.


Nagtataka,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz