September 5, 2003

11.7K 511 27
                                    

Dear Diary,

First Friday mass kanina. 'Yong klase namin 'yong assigned sa preparations and offerings. Isa ako sa mga mag-o-offer.

Wala yata ako sa sarili kanina, diary. 

Idiniretso ko sa altar 'yong alay ko, e, dapat do'n lang sa tigkabilang gilid ng pari ilalagay. Napahiya ako, diary. Sa katarantahan ko, muntik pa akong madapa nang pababa na ng altar. Hiyang-hiya ako, diary.

Ito pa! Dahil nga sa nahihiya ako, hindi dapat ako susubo ng ostiya. Ang kaso... nagsitayuan lahat ng nasa hanay ng upuan namin. Wala akong choice kundi tumayo. Tapos, ang turo kasi sa amin ay aktong luluhod at mag-a-antanda kapag nakuha na ang ostiya. Hindi ko naman alam na wala palang gagawa noon. Nang turn ko na, tuluyan akong napaluhod at 'yong kasunod ko sa hanay, natalapid sa binti ko. 

Galit na galit si Sister Macrina kanina kaya pinadiretso ako sa principal's office kanina. :( Tumatalsik pa naman ang laway nya kapag nagsasalita. 


Basang-basa at hiyang-hiya sa sarili,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now