October 18, 2006 11:15PM

10.8K 609 109
                                    

Dear Diary,

Masaya ang first day of Intrams namin kahit sobrang nakakapagod. Maraming nagsabing sure win na raw kami sa cheerdance. Hindi dahil 4th year na kami, ha. Sabi ng teachers, maganda raw ang performance namin.

Feeling ko nga umitim uli ako, e. Kahit umulan nang bandang hapon na, sobrang init naman habang puma-parade kami kanina. Tapos mainit din noong nag-perform kami ng cheerdance number namin.

Ang dami nilang bagong inilagay ngayong taon. Bukod sa walang kamatayang dedication booth, may ilang stalls din ng mga larong pam-perya. May balloons na binabato ng darts na may barya sa loob.

May marriage booth din na dahil ngayon lang inilagay, sobrang daming nakapila para sa kasal-kasalan. Nakakaawa nga 'yong SC officers, e. May mga tumatakbo kasi kapag inilagay ang pangalan nila, pero tumutulong din naman 'yong friends ng mga ikakasal. Letsugas na 'yan.

Gumastos ako ng bente para ikasal sila Lotlot at Derrick.

Tapos ginantihan nila ako. :(

Pang-apat yata akong ikinasal sa kanya. Polygamus sa hypothetical na kasal haha.


Mrs. Quijada for one day,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon