August 15, 2006

10.6K 544 63
                                    

Dear Diary,

Himala. Nagyaya sya na maglugaw. Katatapos naming mag-practice ng cheering nang magyaya sya. Kalahati ng klase namin ang sumama. Punong-puno 'yong lugawan ng kaklase ko. Tapos, nilibre nya kami nina Lotlot.

Ang galing nga no'ng dalawa, e. Parang walang nangyari. Si Lotlot, pilit na dinidirekta sa 'kin 'yong usapan. E, gutom ako kaya kain lang ako nang kain. Hindi ko naman gustong makipag-usap. Sumama lang ako kasi libre. Saka para may kasabay ako pag-uwi.

Tapos ano... sumama rin pala sya sa amin. Ihahatid kasi ni Derrick si Lotlot. Tapos pinasama na rin sya. Noong una napapagitnaan namin 'yong dalawa kaya okay lang kahit hindi magsalita. Pero nang tumagal, bumagal 'yong lakad ng dalawa. Nauna kami. Tapos walang choice kundi mag-usap. Kasi mas nakakailang naman na maglakad lang nang tahimik, e, kilala ko naman 'yong kasabay ko.

Pinag-usapan lang namin 'yong assignments at projects namin.

P.S. Magbabawas na ako sa kape.

Palaging kinakabahan,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now